Huwebes, Marso 10, 2016

Exploring the Philippines in Comfort : ILOCOS NORTE

"Great Journeys – fascinating places"


ILOCOS NORTE

Ang Ilocos Norte ay isang lalawigan sa ating bansang Pilipinas na nasa rehiyon I. Ito’y matatagpuan sa hilagang bahagi ng Luzon at ang hanggangan nito sa silangan ay ang mga lalawigan ng Apayao at Cagayan at sa timog naman ay ang Ilocos Sur at Abra. Kung atin namang pag-uusapan ang klima, hindi ito nalalayo sa ibang lugar sa bansa na mayroong magkapantay na distribusyon ng ulan at araw. Hindi maipagkakaila na kilalang-kilala ang lalawigang ito bilang teritoryo ng mga Marcos. Bakit? Aba syempre, dito lang naman ang kapanganakan ng ating dating Pangulong Ferdinand Marcos. Teka teka! Mayroon pa! Kilala rin ito bilang isang lalawigang panturismo sa hilaga kung saan matatagpuan ang bantog na “Fort Ilocandia.” May ideya na ba kayo kung ano ito? Bakit kaya ganito ang tawag sa lugar na iyon? Anu-ano ang mga tanawin na makikita dito? Napakadaming katanungan pero ito ang aking sinisigurado sainyo, kayo’y mamamangha at mabibighani sa ganda ng Ilocos. VAMOS ILOCOS!

AKOMODASYON : JAVA HOTEL

10:00 ng gabi ay umalis na kami sa Maynila upang pumunta sa aming destinasyon – Ilocos. Makikita ang pananabik sa mga matang kumikislap na mas makinang pa sa diyamante. Hindi mapakali at para bang mga kiti-kiti sa sobrang excited. Kami’y magkakasama sa iisang van at naroon rin ang aming tour guide na mabulaklak ang bibig. 

 
8am ng kami’y makarating sa hotel. Hindi pa kami nakakababa ay sinalubong na agad kami ng mga staff at service personnel na mayroong ngiti sa mga labi. At doon pa lang ay inyong mararamdaman ang “so sweet and hospitable” feeling. Oh diba, bongga! Bumungad sa aming mga mata kakaibang theme ng hotel. Mga pambihirang hotel features. Infairness, ako’y naimpress. 




Ang Java Hotel ay tanyag na tanyag sa Balinese Moroccan atmosphere nito, exquisite Spanish design at warm Ilocano touch. Ang recreational facilities ng hotel ay paniguradong mahihigitan pa ang inyong mga inaakala at inaasahan sapagkat mayroon itong souvenir shop, tennis court, fitness gym at ang swimming pool na hindi maaring mawala para na rin pampatanggal stress at pagod. Sila rin ay mayroong tinatawag na “The Majestic & The Venetian” function halls. Ito’y naghahandog ng 1st class services with affordable rates and exceptional amenities. Swak na swak na sa budget, may mayaman feels pa, saan kapa! Turistang turista ka na!
Eagle’s Nest Bar and Restaurant


        Ang bar and resto na ito ay nasa tabi lamang ng Java Hotel kaya kung kayo ay nabobored o kumakalam na ang sikmura ay hindi na kayo mahihirapan pang dumayo sa ibang lugar. Lakad lang ng onti at vavoom! Matatagpuan mo na ang yummy baby back ribs, meatballs, at iba pa.. Huwag nyo ring kalimutang itry ang bihon-dinuguan. Kapag ito’y inyong natikman, paniguradong mapapapikit kayo sa sarap at ang inyo na lang masasabi ay MMMMMM DELISYOSO! 




MAGAGANDANG TANAWIN SA ILOCOS

Dreams for all seasons!

BALUARTE NI CHAVIT

Ang una naming destinasyon ay ang Baluarte ni Chavit Singson. Ito’y 10 minuto biyahe mula Vigan City. Minsay, ito ay tinatawag bilang Chavit’s Fortress. Tulad ng ibang zoo, ang Baluarte ay isang wildlife sanctuary na mayroon ring dedikasyon sa edukasyon. Para ka na ring nasa educational tour. Nakadayo kana sa ibang lugar, may natutunan ka pa. Sa zoo na ito, maari kang makipaglaro o magkaron ng interaksyon sa mga hayop. Maari ka ring makipag picture taking sa Bengal tigers,, kailangan mo nga lang ng lakas ng loob. Hahaha! Ang isa pang pwedeng gawin dito ay ang pagsakay sa “Tiburin.” Tila bago sainyong pandinig, tama? Ito ay parang camel na may maliit na horse-drawn carriage. Mayroon din ditong peacocks, civet cats, iguanas, pythons, swans, flamingos, ostrich, at marami pang iba. 

Noong kami’y nagpunta, may mga pasilidad pang under construction kaya hindi gaanong kasulit. Mayroon silang ginagawang dagdag atraksiyon, ang butterfly garden. Ang aking masasabi tungkol dito ay kailangan pa ng karagdagang pagpaplano sa pagpapanatiling malinis at maganda ng lugar. 

BANTAY CHURCH at BELL TOWER

 
Habang naglalakad pa lang ay tanaw mo na ang kamangha-manghang istruktura ng Bantay Church. Tila mapapatigil ka at masasabing “Thank you, Lord! Worth it ang Ilocos ko.” Sa loob ng simbahan ay mayroong maliit na silid para sa mga deboto ni Mama Mary. Malaki ang espasyo ng Bantay Church at hindi ka mauubusan ng upuan.


Ang Bantay Bell Tower ay kalapit lamang ng Bantay Church. Makikita mo ito kaagad sa labas ng simbahan. Tanging kami lang ng aking tita ang pumunta dito upang magpapicture taking dahil sa tindi ng sikat ng araw. Ngunit ano naman? Busog naman ang aking mga mata sa ganda ng tanawin.

MARCOS MUSEUM

 

Hindi maaring kaligtaan kapag ika’y nagpunta sa Ilocos ang Marcos Museum. Dito nakahimlay ang ating dating pangulong si Ferdinand Marcos. Nasa loob ng museum ang kanyang mga nagawa o kontribusyon sa Pilipinas. Mayroon itong opisina para sa kanyang responsibilidad sa bansa. Mahigpit na ipinagbabawal dito na kuhanan ng litrato ang katawan ng dating Pangulo. Kaya’t hanggang tingin lamang talaga at mayroon distansya upang hindi ito mahawakan. Ngunit kahit ganoon, makakailang ulit ka naman na pabalik balik dahil maamaze ka talaga kung paano nila nagagawang panatilihin ang patay na katawan ni Marcos.

 

PAOAY SAND DUNES

 
Isa sa mga hinding hindi ko makakalimutan na tour ay ang Paoay Sand Dunes. Pagkaramdam ko pa lamang ng buhangin sa aking mga paa, para na akong nasa ibang bansa, desert feels! Hapon na noong kami ay nagpunta dito upang hindi masyadong tirik na tirik ang araw. Ayaw naming maihaw sa initan at maging uling. Hahaha! Mayroon silang 4x4 na sulit para sa barkada o pamilya ngunit may kamahalan lamang kaya iready nyo ang inyong mga bulsa. Ang standard rate dito ay 2500 good for 5 persons. Mabilis ang pagpapaandar at tila magugulo ang inyong mundo pero huwag mag-alala, dahil magkakaroon kayo ng fantastic time. sinubukan ang ATV at sa una’y kinakabahan pa ko dahil hindi ko alam kung paano ito gamitin at paandarin. Ngunit kinalaunan ay natuto na ko. Carry na carry ito ng inyong powers!

Perfect ito for adrenaline junkies. Para kayong nasa rollercoaster ride while standing up.  

BANGUI WINDMILLS


 
Lahat ng turista pati na rin ako ay inaabangan ang pagpunta sa Windmills. Aking naiimagine na ako’y makakakita ng isang malaking malaking electric fan. Abot hanggang tenga ang ngiti sa aking mga labi ng makita ko na ang mga ito ng personal. Ang Windmill na dati rati ay sa picture ko lamang nakikita ay nakita ko na sa personal, sa aking mismong mga mata. Nonstop picture taking, jump shot, selfie pati na rin wacky shot hindi ko pinalagpas. Oh diba, first timer na first timer hahaha!
Aking nirerekomenda na bumili kayo ng mga pasalubong dito dahil mas mura, mas makakatipid kayo. Silay’y nagbebenta ng tshirt, keychain, palawit sa bahay, pen holder, accessories, at marami pang iba. 


Ito ang aking “WINDY LARGER THAN LIFE EXPERIENCE”. Kada ikot ng turbines ay nagdudulot saakin ng kapayapaan kasama ng kapaligiran. Ramdam mo ang haplos ng hangin sa iyong muka dahil na rin malapit ito sa dagat.

KUPURPURAWAN ROCK FORMATION


 
Tanghaling tapat nang aming marating ang Kapurpurawan. Madaming turista. Ramdam na ramdam ang pawis na tumatagaktak sa aming mga katawan. Ang Kapurpurawan ay kilalang kilala sa creamy white and streamlined limestone formations nito. Kaya ganito raw ang hugis ng mga rock formation ay dahil sa iba’t-ibang oceaning and weather forces. Sinong mag aakala na magdudulot pala ito ng isang magandang tanawin at dadayuhin ng mg tao mula sa iba’t-ibang lugar.  






Kung ayaw nyong maglakad, maari kayong sumakay sa kabayo na nirerentahan dito. Ngunit mas mainam siguro na huwag nyo ng itry ang pagsakay dito dahil ang dami kong nakitang mga nagwawalang kabayo at muntik pang mahulog ang isang turista. Iwas aksidente na rin para sigurado. Ang aking masasabi para sa mga taong hindi pa nakakapunta dito ay “Go and see it before it vanishes”.


SAUD BEACH RESORT


 
Ito ang naging highlight ng aking Ilocos tour. Para bang ako’y nanaginip at akala ko ay nasa Boracay na ako. Pinong-pino ang buhangin, mas maputi pa kaysa sa aking kutis. Matatanaw mo ang tila bang walang hanggang karagatan na singkulay ng mga ulap sa langit. This was my pleasant surprise. Hindi ito isang pipichuginna beach lamang, tila mas maganda pa ito kaysa sa mga beach sa Batangas. Tanaw na tanaw mo ang paglubog ng araw at likas na ganda ng kapaligiran. Maari kang magluto at bumili ng pagkain sa labas para mas makatipid. Mayroon din silang buffet service. Ang mga lifeguard ay talagang nakafocus sa mga turistang lumalangoy sa dagat kaya’t ikaw ay makakampante.




CALLE CRISOLOGO





Bago kami bumalik sa realidad, huli naming pinuntahan ang Calle Crisologo. Ito ang major attraction sa Vigan. Narito ang mga heritage village o mga bahay noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Sa halagang 150 pesos, maari ka ng sumakay sa kalesa, isang lumang estilong kolonyal at iyong mararamdaman ang historic vibe. Kapag gabi na, mas mararamdaman mo ang feeling na walking back in time. Para bang ikaw ay nagteteleport at hawak mo sa iyong mga kamay ang oras. So dramatic yet fantastic.





.

Sabado, Marso 5, 2016

Someday This Day By: Krishna Marie G. Belen

Ang Batangas ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng Luzon sa rehiyon ng CALABARZON. Ang Lungsod ng Batangas ang kabisera nito. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Cavite at Laguna sa hilaga at Quezon sa silangan. 


Isa ang Batangas sa pinakasikat na destinasyong panturismong malapit sa Kalakhang Maynila. Maraming mga magagandang baybayin ang lalawigan at kilala sa magagandang pook sisiran o "diving spots" kasama ang Anilao sa Mabini, ang pulo ng Sombrero sa Tingloy, pulo ng Ligpo sa Bauan, ang mga lugar na ito ay higit na kilala bilang Anilao. Kasama rin sa mga dinarayong lugar ay ang Matabungkay sa Lian, Punta Fuego sa Nasugbu,Calatagan at Laiya sa San Juan. Sa Batangas din matatagpuan ang tanyag na Bulkang Taal, ang pinakamaliit na aktibong bulkan sa daigdig. Nasa Batangas ang ikalawang pinakamalaking daungang pandaigdig ng Pilipinas sunod sa Kalakhang Maynila.


Sunrise Cove, Calatagan Batangas

Sino nga ba naman ang hindi gugustuhin pumunta sa lugar na ito sa pangalawang pagkakataon?
Sino ba naman ang hindi mabibighani sa ganda ng tanawin at simoy ng hangin sa batangas?
Ako'y nabighani na ng hindi isa, ngunit dalawang beses pa.

Sunrise Cove, Calatagan Batangas


Ito ay ang Sunrise Cove, isang tagong dalampasigan na matatagpuan sa Calatagan Batangas.





Naramdaman ko ang kagandahan ng panahon at kapayapaan sa lugar na ito, malayo sa magulo at maingay na abalang kalye ng Maynila.Sa paligid na malayo sa entrance gates, naramdaman din namin kung gaano kaligtas at gano kami ka-welcome sa lugar. Matagal na 'kong nag hahanap ng tama at perpektong lugar, at tingin ko, Ito'y para sakin!


Kubo (tulugan)


Mula sa mga kubo at gazeebo na maari mong tulugan,,mararamdaman mo kung gaano 
kaaliwalas at komportable dito. ang matatanaw mo dito ay mga bulubundukin at syempre, ang maganda at malinis na dalampasigan.









at eto naman ang mga lugar na pwede mong pagkainan at natitiyak ko na habang kayo'y kumakain ay marerelax din kayo, dahil inyongmaririnig ang pag hampas ng alon at sarap ng simoy ng hangin. 











Nakakaramdam na ba kayo ng init? Halina't mag swimming sa dagat o di kaya naman aymag sun bathing sa ilalim ng init ng araw! 







kapag kayo'y pagod at gustongmag pahinga sa mas malilim at malamig na lugar, maari kayong mag paalon alon habang sakay ng balsa. 






Hindi lang kayo ang pwedeng mag enjoy, dahil pwede niyo din isama ang inyong mga alaga upang mag swimming at mag tampisaw.











kapag bagot at umay na kayong lumanggoy ng lumanggoy, Halina't mag laro ng frisbee!!










Sa pag sapit ng gabi...

sunset








habang kayo'y nag rerelax at nag aabang ng hapunan. maari muna kayong mag relax sa kubo at saksihan ang paglubog ng araw.



At sa pag kagat ng dilim, mararamdaman mo ang lakas at lamig ng simoy nghangin.
tara na't mag kwentuhan sa ilalim ng buwan sa harap ng isang mainit at nakakakalmang bonfire!!






Pag sapit ng umaga, kami'y nag almusal at nag lakad lakad sa may dalampasigan. at siyempre, bago umalis, picture picture muna!







Marimar x Pulgoso











Sa overnight stay namin dito, masasabi kong sulit at na enjoy ko ang stay namin dito.
isang tahimik at mapayapang lugar upang magbakasyon. inyo itong dapat bisitahin at gawing memorable ang inyong bakasyon.Hanggang sa susunod natingadventure!






                                                                                                     


                                                                                        xoxo, Krishna Belen