Huwebes, Marso 3, 2016

Boracay: A Paradise to visit by Jercy Raine Cruz



Travel hindi para takasan ang buhay pero para hindi tayo takasan ng buhay.


White Beach, ang main tourism beach ay nasa apat na kilometrong layo nakalinya ang ibat-ibang resorts, hotels, lodging houses, restaurants, at iba pang tourism-related businesses. 










                                             


       

       





Leisure Activities:

FLY FISH – one hell of a bumpy & Bouncy ride

Na experience ko sumakay ng isang inflatable fish at hihilain ng speedboat. Sa lahat ng water activities, ito ang aking paborito. Maging matapang at iligtas mo ang sarili mo!!

Anim na tao ang pwedeng sumakay sa isang fly fish, kapag umandar na and speedboat ay kailangan mong kumapit ng maigi para hindi ka mahulog. 









Parasailing – Soar High above the Island

Syempre kailangan mo din Makita kung gano kaganda ang boracay.
Pwedeng dalawahan o tatluhan kayong sumakay. Kasama ko ang uncle at brother ko nung sumakay kami dito. Masaya ang experience dahil makikita mo yung iba riding a jet ski, banana boat, fly rish at iba pa na nag pa-parasail din.

Dahil sobrang takot ko at baka mahulpg ako, sobrang higpit ng kapit ko pero dahil katabi ko ang pinaka mapang asar ko na uncle ay tinutulak niya pa ako habang nasa taas kami. 

Kapag pababa na kayo, bago ka bumalik sa speedboat ay babasain o ilulubog ka muna nila ng konti sa tubig.








Banana Boat - Have some splash!

Isa ito sa pinaka popular na activity sa island dahil halos lahat ng member ng pamilya ay makaka sakay . Ito ay exciting mag paikot-ikot sa beach habang natatawa kayo kapag may nahuhulog. 

Ang aking mommy na sobrang takot maligo sa beach dahil hindi sya marunong lumangoy ay napilit namin sumakay dito. Sinabi pa nga namin sa kuya na nag ddrive ng jet ski ay ihulog ang side na meron sya pero sobrang lakas ng kapit niya sa handle kaya hindi siya nahulog. Hahaha!

Kapag may nahulog, we’ll all laugh. J All members of the family enjoyed this ride because lahat kami nakasakay and sama sama sa isang ride. Unlike the others that you should be pair or trio.




Helmet Diving – See Marine Life
Sa una siyempre ay nakakatakot dahil ikaw ay baba sa tubig at hindi mo alam ang pwedeng mangyari sa'yo dun. 

Una ay nagkaroon muna kami ng orientation ng kung ano ang dapat at hindi mo dapat gawin sa ilalim pati na rin ang mga sign katulad ng 'ok' at kung may problema ba.

Ang Helmet ay 200 kg. pero kapag nasa water ka na, parang 3 kg nalang.
Masaya sya dahil mag bibigay ng pagkain sa mga isda at lalapit sila, makikita mo sila ng malapitan. Akala mo mahahawakan mo na sila pero ang bilis nila gumalaw, nakaalis na sila agad.





Night life and Fire dancers

Hindi makukumpleto ang pag bisita mo sa boracay kung hindi mo ma eexperience and night life at makakita ng madaming fire dancers. Hintayin mo lang dumilim at makikita mo kung paano mag transform ang boraacy makulay at maingay. Pwede mo hiramin yung fireballs sa firedancers basta bibigyan mo sila ng tip.
Yung iba naman gagawa sila ng fire tricks malapit sa ulo mo, mainit syempre pero dapat mag smile ka agad para hindi sayang. Hahaha!





                                     




                                                                               






Panunuod ng sunset.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento