Huwebes, Marso 3, 2016

 Silip sa Kasaysayan ng Pilipinas sa

 Las Casas Filipinas de Acuzar

by Bea Benito


Hirap sa atin nakaraan na binabalikan pa, tara sa Las Casas Filipinas de Acuzar. Sabi nga nila “History repeats itself” Kaya naman dapat natuto na tayo. Tatlong daan at tatlumpu’t tatlong taon tayong nasakop ng Espanyol. Dumanas nang pang-aapi, diskriminasyon at pangungurakot sa mga prayle ngunit ano nga ba ang pinagkaiba ngayon? Ano nga ba ang koneksyon ng mga sinasabi ko?

Mahilig ako sa mga basahin tungkol sa kasaysayan pinalad ako na mapuntahan ang Las Casas Filipinas de Acuzar. Sa pasukan pa lamang parang ibinalik na ako sa panahon ni Dr. Jose Rizal nang makita ko ang suot ng mga guwardya na pang guwardya sibil na kasuotan at hindi lang iyon, ang mga empleado ay naka baro’t saya rin kaya naman para kang bumalik sa Panahon ng Espanyol.







Baka lang akalain niyo ang Las Casas Filipinas de Acuzar ay ginawa ng Panahon ng Espanyol ngunit kayo’y nagkakamali. Ang mga Imprastraktura dito ay noong labing walong siglo pa ginawa ngunit hindi sa Las Casas kung hindi sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at inilipat na lamang ang mga ito. Ang ilang halimbawa ng mga bahay na makikita rito ay ang Casa Baliuag, Casa Ladrillo, Casa Byzantina, Casa Cagayan, Casa Candaba, Casa Luna; ang mga Casa ay pribado at kwarto para sa may malaking grupo ng tao at meron din namang rooms na ordinaryo parang sa hotel. 

Accommodation

Casa Byzantina

Casa Jaen

Casa Luna

Casa Baliuag

Deluxe



Paano nga ba pumunta sa Las Casas Filipinas de Acuzar? Hindi ko masasabi kung paano dahil kami'y naka sasakyan. Ngunit masasabi ko naman kung ilang oras ang biyahe at kung ano ang aasahan sa daan. Ang lokasyon nito ay sa Bagac, Bataan, may tatlong oras lamang sana ang biyahe ngunit sa aming karanasan ika-10 nang umaga at nakarating kami roon ay pasado ika-3 na nang hapon ng ay kami nakarating dahil sa mga pahinto hinto sa gasolinahan, sa restawran at naki sabay pa ang trapiko dahil may event sa Clark, Pampanga na Hot Air Balloon Festival. Syempre ngiti pa rin sa kabila ng trapiko! Ganyan talaga minsan darating rin naman tayo sa ating destinasyon kaya dapat cool lang tayo. Napakainit na nga ng sikat ng araw sasabayan mo pa ba nang init nang ulo mo? Mag maxx ka muna chillax!




Nang kami ay dumating ay dumiretso muna kami sa aming tutuluyan para makapagpahinga ng kaunti galing sa mahaba habang biyahe. Kasama ko ang pamilya ng aking kaibigan noong high school at iba pa niyang kaibigan sa kolehiyo, dito niya napili ipagdiwang ang kanyang ika-18 kaarawan. 

Nang malaman namin ang iskedyul ng tour nagpasya na kaming ikutin ang lugar.Sumakay kami ng jeep. Meron ding kalesa at may ginagawa pang daanan para sa tren. Marami pa ring patuloy na ginagawa tulad ng daanan, simbahan at iba pang imprastraktura. 

Transportation and Attractions

Jeep

Kalesa

 Habang kami ay naglalakbay sa aming pupuntahan wala kaming ginawa kung hindi kumuha ng litrato, kuha rito kuha roon. Napakaganda talaga ng lugar lalo na at nasa tabing-dagat pa ito at matatanaw mo rin dito ang bundok sa Bataan. 



















Dumating na kami sa plasa kung saan makikita ang iba’t ibang lumang bahay at mga tindahan. Meron din kaming nakitang kabayo at parrot. 



















Kung kayo ay naghahanap ng libangan maari rin kayong pumunta sa parang game room nila kung saan maaring maglaro ng billiards, dart at table tennis ng libre o mag swimming sa pool o tabing-dagat. Kung may budyet ka naman maari mong subukang pumunta sa isla, kayaking, mangisda o di kaya naman ang pagsakay sa kalesa, bisekleta at golf cart. 

Swimming pool

Beach volleyball


] 
Golf Cart

Food and Beverage

Napakarami talagang pwedeng gawin siguradong kulang ang isang araw para malibot ang lugar at magawa ang pwedeng gawin na akitibidades. Nang malibot namin ang ibang bahagi ng Las Casas kami ay bumalik sa aming kwarto at nagpalit para maglaro ng volleyball at paskatapos naman naming maglaro kumain kami sa Buffet malapit sa plasa.




Kinabukasan naman kami ay nag-umagahan ng Buffet sa Hotel de Oriente. Meron ding coffee shop, bakery at iba pang mga restawran nakakalungkot nga lang at hindi naming ito nasubukan. Matapos sa pagkain isa isa kaming nagkunwari na may gagawin at naghanda na kami sa aming surpresa para sa aking kaibigan na sa Trisha. Ngunit kami'y nabigo sa aming surpresa dahil na kutuban niya ito at hindi pumutok ang party poppers pagpasok niya sa kwarto. Salamat kay Debi at Macoy. 


Surprise! Surprise!




Natapos ang pag silip ng Kasaysayan sa paglangoy. Paglangoy parang sa buhay ng tao sa kasaysayan, tayo’y patuloy na gumagawa ng kasaysayan sabi nga ni Dory sa Finding Nemo “Just keep swimming.” 

Sa aking paglalakbay masasabi ko na napakaganda ng Las Casas Filipinas de Acuzar at ang galing ng naka isip ng konsepto na dalhin sa isang lugar ang lumang mga bahay at gawing Heritage Resort. Sa pamamagitan nito maipapakita at maalagaan pa ang mga bahay na ito sa mga susunod pang mga henerasyon na sumasalamin sa kultura ng Pilipino noon. 








Maaring niyo ring mapuntahan pa sa Bataan 
  • Mount Samat National Shrine
  • Pawikan Conservation Center
  • Dinalupihan Nature Center
  • Mount Natib
  • Airsoft War Games                                              



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento