MALAYSIA,
TRULY ASIA
Ano nga ba ang unang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang bansang malaysia? Siguro ay ang sikat na lungsod ng kuala lumpur at ang petronas twin towers na kilala bilang isa sa pinakamataas na gusali sa mundo. Ngunit masasabi ko na marami pang pwedeng matuklasan sa bansang ito. Ang Malaysia ay isang bansa na may iba't ibang kultura kagaya ng malay, indian, chinese at kaunti ng persian, arabic at british. Ang mga daanan naman ay may apat na bahagi kung kaya't madalang magkaroon ng mahabang trapiko. Sa mga pagkain ay hindi mawawala ang sobrang aanghang na putahe. At ang labis mong ikakatuwa ay ang mababang buwis sa lahat ng bilihin at kainan.
Petronas Twin Towers
Nasi Lemak – Malaysia's National Dish
Mga Atraksyon sa Malaysia:
A'Famosa
Ang Afamosa ay sikat na lugar sa Malacca kung saan may maraming bahagi ito na binubuo ng resort na may malalaking slides malalakas na waves at maraming kainan na tiyak ay maeenganyo kang tikman. Mayroon ding Safari na makakasalamuha mo ang mga tigre, lion at iba pang mga mababangis na hayop. Mayroon ding bird show na sobrang nakakaaliw, lalo na at nakasali ako sa mga parte na kailangan ng kasali na audience at ako pa ang swerteng nakuha kaya naman ay nagkaroon ako ng opurtunidad na mahawakan, mapakain at makasama sa tricks na pinapakita ng mga ibon. Mayroon ding Elephant show na sobra kang matutuwa dahil magaling sila umarte at tumulong sa mga amo nila. Labis na nakakaaliw ang mga Animal Show na pinapalabas dito. Nagkaroon din ako ng oras para libutin ang lugar sa likod ng elepante.
Casa Del Rio
Ang casa del rio ay isang hotel na may bar at mga nag gagandahang singers sa banda at sila ay mga pilipino kaya ika'y matutuwa talaga. Sila rin ay nagsasagawa ng mga party katulad nito na New Year countdown noong 2014. Akala ko ay hindi magiging masaya ang pagpasok ng taon ko dahil sa Malaysia ay hindi naman nagcecelebrate ng mga ganoong okasyon ngunit dahil sa casa del rio ay nagkaroon ng kulay at saya ang bagong taon. Maraming mga paputok, inumin at pagkain silang hinanda at may mga sayawan pa kasama ang ibang mga bisita.
Genting Highlands
Ang Genting Highlands ay ang isa sa mga lugar na labis akong namangha dahil sa sobrang lamig ay pati ang hininga mo ay umuusok na. Mahirap itong akyatin sapagkat ito ang pinakamataas na lugar sa Malaysia. Ngunit kapag narating mo naman ay tiyak na hinding hindi mo pagsisisihan, para bang ikaw ay nasa Malaysia pero nakapunta ka sa iba't ibang bansa dahil sa loob nito ay may mga iba't ibang bansa sa buong mundo na ginagaya ang mga tourist attraction na para bang totoong totoo talaga. Marami ring extreme rides na maeenjoy ng mga kabataan.
Sunway Lagoon
Ito ay matatagpuan sa Kuala Lumpur. Isang Amusement Park na may Resort at marami pang iba. Ang swimming pool nila ay marami at may iba ibang konsepto, isa na dito ang swimming pool na may tunay na beach sand na tila bang ikaw ay nasa beach habang may nag zi-zipline sa taas mo at may mahaba at malaking hanging bridge na pinapanuod ka mula sa itaas. Mayroong ring mga bungee fun, paint ball, 4x4 at mga rides na pang matanda at pang bata. Ang isang ride na hindi ko makakalimutan ay iyong akala kong parang anchor's away lang sa pilipinas ay umikot pala ng 360 degrees at wala na akong magawa kundi tiisin ang takot, hilo at kaba na aking nararamdaman.
Legoland
Ang Legoland na matatagpuan sa Johor Bahru, nung una ay akala ko hindi ako mag eenjoy dahil ano nga ba naman ang makikita mo dito, puro lego lang. Oo tama ako, puro lego nga lang pero hindi ko akalain na magagawa nila ang mga bagay na nakita ko sa loob gamit ang lego. Malalaking lego buildings at mga imitasyon ng mga bansa. Nakakapagod at sobrang init mag lakad kaya naman makalipas ang taon ay bumuo ang legoland ng waterpark. Hindi ko naabutan ngunit sa tingin ko ay magandang kombinasyon dahil pagkatapos mong maglakad sa initan ay may pool na sasalubong sayo at malalaking sides at siyempre hindi parin mawawala ang mga lego figures.
A' famosa, Casa del Rio, Genting Highlands, Sunway Lagoon at Legoland. Ayan ang mga lugar na aking napuntahan na tiyak kong babalikan. ;)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento