Huwebes, Marso 3, 2016

Caramoan Island: Miles and Smiles Away By: Precious Araojo




CARAMOAN ISLAND


MILES AND SMILES AWAY



Sa Kapuluan ng Pilipinas, matatagpuan ang Caramoan Island sa Camarines Sur ng Bicol. Ito ang perpektong lugar upang makapaglakbay sa iba’t ibang pulo. Maraming paraan upang sulitin ang lugar na ito tulad ng pakikipagsapalaran sa karagatan. Snorkeling, scuba diving, rock climbing, exploring caves at stargazing ang mga iba’t ibang aktibidad na maaring mong gawin dito.



TOP 12 ISLANDS NG CARAMOAN








PAANO PUMUNTA NG CARAMOAN?





Galing sa Maynila, kami ay nagbakasyon sa aming probinsya sa Virac, Catanduanes. Sumakay kami sa Cebu Pacific na may byaheng Manila-Virac at ito ay tumagal ng isang oras lamang.










Pagkarating ng Virac, centro ng Catanduanes, ay kailangan ng sasakyan upang magtungo sa barrio ng Codon upang doon sumakay ng mga bangka na tutungo sa Caramoan. Galing sa Virac papuntang Codon ay tatagal ito ng mga 30-45 minutes na byahe.










CODON


Ito ang bangka na sinakyan namin sa Codon, Catanduanes na nagdala sa amin sa mga kaaya-ayang  pulo ng Caramoan







CODON TO BARANGGAY COLONGCOGONG

Una naming pinuntahan ang Baranggay Colongcogong upang mag check-in sa aming resort na napili bago pa mag simulang bumyahe. Ito ay ang Tugawe Cove Resort. Mula sa barrio ng Codon papunta ng Colongcogong ay tumagal ng mga  30 to 45 minutes. Ang nakakatuwa dito ay hindi ka tatamarin sa bangka dahil sa napakagandang tanawin na makikita sa paligid habang ikaw ay nasa gitna ng karagatan. 

TUGAWE COVE RESORT



Habang onti-onti na naming natatanaw ang Tugawe Cove Resort, ang lahat ay sabik na sabik ng bumaba dahil sa napakagandang tanawin na aming nakikita. Pagkarating namin sa Tugawe Cove Resort ay nagikot-ikot kaming magpipinsan upang maghanap pa ng mga iba’t ibang tanawin na magpapabilib pa lalo sa amin. Halos di ko akalain na may ganto palang lugar sa Pilipinas na maaaring ipagmalaki sa buong mundo. Dito ko nakita ang pinakamalinis na parte ng karagatan habang sinasabayan ng napakaswabeng alon at ang napakapreskong ihip ng hangin. Tunay ko nga namang masasabi na “It’s more fun in the Philippines” dahil sa aking nakita dito Caramoan, Camarines Sur.




Pagpasok namin sa resort ay sumalubong samin ang napakalawak na lawa na di namin inaasahang may ganon pala doon. Napakalaki ng lawa na ito ngunit di ko masasabi na malinis ito dahil medyo malabo ang tubig.

Sa lawa na ito ay nakaibabaw ang mga maliliit na cabana na tulugan ng mga turista at mayroon ding mahabang tulay na magtutungo sayo papasok pa ng resort. Sa bawat habang ko ay mas lalo pa akong natutuwa dahil di pa ako tuluyang nakakapasok sa resort ay madami na itong pinapakita na magagandang atraksyon.



Kami ay patuloy pa rin na naglalakad sa mahabang tulay kasama ang staff ng Tugawe Cove Resort. Kami ay sinasabihan niya na aakyat daw kami sa Hilltop Restaurant ng resort. Matapos ng mahabang paglalakbay sa tulay ay may karugtong pa pala itong napakataas na hagdan bago pa kami tuluyang makarating sa Hilltop Restaurant.




HILLTOP RESTAURANT



Ilang hakbang na lamang ay nasa Hilltop Restaurant na dahil ito ay aming natatanaw na. Matapos ang sobrang habang lakbay galing Maynila ay malamang gutom na ang lahat. Pagkarating namin sa taas ay nabighani nanaman ako dahil sa di ko inaasahang tanawin na aking nakita. Unang sumalubong sa amin ang infinity pool na katabi ng restwaran. 


Dahil Hilltop Restaurant ang tawag dito ay syempre inaasahan kong mataas ang pwesto ng restwaran na ito at naghahangad ako na mas makita ko pa ang buong kalawakan ng karagatan sa tuktok na iyon at hindi ako nabigo sa aking hinangad.


Busog na busog na aking mata dahil sa tanawin na aking nakikita. Sulit nga naman ang pagod at tiniis kong gutom dahil napakaganda talaga. 




Mula sa Hilltop Restaurant ay tanaw na din namin ang Hilltop Cabana natinuro sa amin ng staff ng resort, ito ang cabana na kinuha ng aming pamilya. Matapos kumain ay dumeretso naman kami sa cabana upang makapaghinga at makapaghanda na sa island hopping. 






Dahil busog at nakapagpahinga na ang lahat, handa na kaming makipagsapalaran sa karagatan. Bumaba na kami ng resort upang puntahan ang bangka na aming sasakyan para sa island hopping. Kami ay muling sumakay ng bangka at ipinagpatuloy ang kasiyahan kasama ang buong pamilya.



ISLAND HOPPING: 9/12 islands













Sa Top 12 Islands na meron ang Caramoan ay 9 lang aming napuntahan dahil dumidilim na ang langit at sumasama na din ang panahon sa gitna ng karagatan. Medyo natakot na ang aking pamilya dahil maraming bata ang kasama at hindi ligtas kung magpapatagal pa kami. May mga ibang pulo din naman na sinasabing bawal puntahan dahil hindi raw ligtas.
Sa kabuuang byahe namin sa Caramoan, masasabing kong sobrang sulit ito. Kitang-kita sa bawat mata ng turista kung gaano sila napabilib sa ganda ng Caramoan Island. Masasabi ko din na sa lahat ng lugar na aking napuntahan sa Pilipinas ito ang pinakamarerekomenda kong lugar. Sana ay mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng Camarines Sur upang ang mga susunod na henerasyon ay makita din ito.
Ang kalinisan ng dagat at kaputian ng buhangin ang di ko malilimutan sa lahat dahil bihira na lamang ito makita sa Pilipinas. Tunay kong hinahangaan ang mga taong patuloy na inaalagaan ang Camarines Sur dahil tunay nga naman itong nagbigay ng ligaya sa akin at sa aking pamilya. 








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento