Cebu (/sɪˈbuː/, /siːˈbuː/ or /sɛˈbuː/; Cebuano: Lalawigan sa Sugbo, Filipino: Lalawigan ng Cebu) is a first income class island province of the Philippines located in the Central Visayas region, and consisting of the main island itself and 167 surrounding islands and islets.
Isa ang Cebu
sa pinakamaunlad na lalawigan sa Pilipinas, at ang sentro ng kalakalan,
komersiyo, edukasyon, at industriya sa gitna, at timog na bahagi ng Pilipinas.
Maraming mga otel, casino, mga beaches, at iba pang pook pasyalan ang
matatagpuan sa lalawigan. Sa daan-daang mga pulo nito, ang iba dito ay hindi
tinitirhan na naging dahilan upang maging tanyag ang mga ito sa mga turista.
Sasakyang pamhimpapawid o sasakyang pang tubig.
Dalawa lang ang pag pipilian mong transportasyon papunta sa Cebu.
Ang aming transportasyong napili ay ang sasakyang pamhimpapawid.
Ang byahe ay nasa mga isang oras at kalahati pero minsan kapag kayo ay naabutan ng "air traffic" ay ma dedelay ang inyong paglapag kaya maaaring humaba pa ang inyong byahe.
Bella Vista Hotel
Sa unang araw namin sa Cebu ay namalagi kami sa Bella Vista Hotel. Napaka ganda ng hotel na ito. Kumpleto at maayos ang mga kagamitan at kaya aya ang mga kwarto rito. Masasarap din ang kanilang mga pagkain at mababait ang mga tauhan nila na palaging nakaplaster ang ngiti sa labi. Siguradong mapapabalik ka sa hotel na ito dahil napakasarap tumuloy rito.
Copenhagen East
Ito namang ang aming tinulugan sa pangalawang araw. Isa pang magandang akomodasyon sa Cebu, ang Copenhagen East. Napaka moderno ng disenyo ng mga kwarto. Halos black and white lahat ng makikita mo. Mas maluwag din ito sa bulsa kaysa sa Bella Vista. Ang mga kwarto nila ay parang mga condominium unit style. Marami ring tumutuloy na turista dito.
Papa Kit’s Marina and Fishing Lagoon
http://papakitsmarina.com
Your Home Away From Home
Maganda itong pang aliw sa mga taong naghahanap ng adventure. Ang kanilang hangng bridge challenge ay sobrang saya at nakakatakot. to ay mayroong pitong nakaka excite na daan. Kailangan mo ito lahat lampasan bago ka makarating sa dulo. Mayroon ka namang safety gear kaya walang dapat ipangamba. Hindi pupwede ang mga bata edad 7 pababa dahil mayroong isang daan na lubid lang ang apakan at masyadong mataas ang hawakan.
Mayroon silang mga fishing ponds, restaurants at mga kwartong pwedeng tulugan. Meron din silang 800-meters zipline, jungle obstacle, wall climbing, horseback riding, biking, fishing and other aqua sports like wake boarding at boating (Paddle Boat, Duck Pan Boat, Piti, Banana Boat, Canoe).
Mga sikat na pagkain at kainan sa Cebu
Nangunguna na dito ang letchon Cebu na sinasabing lubhang napaka sarapm at katangi tangi ang lasa dahil mayroon itong palaman na hindi pangkaraniwan sa letchon. Hindi makukumpleto ang pistang pinoy kung wala nito, hinahanap ng marami sa handaan ang malutong na balat at malinamnam na sawsawan nito. Unang kagat pa lamang ay talagang masasabayan mo ito ng kanin at kwentuhan sa kasiyahan.
Masarap kumain dito hindi lang dahil sa napakasarap ng pagkain kundi din dahil sa ramdam na ramdam mo ang atmospera ng pagiging Pilipino. Sila ay naghahanda ng mga pagkaing Pilipino na nakalagay sa dahon ng saging. Nakakatuwa nga namang kumain sa dahon ng saging sa panahon ngayon. Maganda din ang kanilang pagkakaserve sa mga pagkain, halatang pinag isipan upang maiba sa pangkaraniwan.
https://www.facebook.com/HukadGoldenCowrie
Pasalubong
Usong-uso sa mga kabataan ngayon ang pagsusuot ng cap, bukod sa panangga sa araw ay ginagamit din itong style at kasama sa porma. Patok na patok na rin ang bag na ito dahil madali lang bitbitin at maganda pang tingnan ang disensyo niro. Ito ay mga perpektong pangsalubong sa barkada o pangregalo sa kaarawan
Ugaling Pilipino ang magbigay ng pasalubong tuwing aalis o pupunta sa ibang lugar. Isa sa mga sikat na bilihing pasalubong sa cebu ay ang kanilang mango chew. Ito ay mangga na nilagyan ng preserbatibo upang maging katulad ng kendi. Ito ay masarap na panghimagas pagkatapos ng tanghalian o hapunan. Sikat din sa cebu ang otap. Isa itong matigas na tinapay na may asukal. Perpektong perpektong pang meryenda sa hapon o pang almusal sa umaga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento