MALUMPATI COLD SPRING:
'MAS MALAMIG PA SA JOWA MO'
ni Kizea Aranas
Malamig na ba ang pakikitungo sayo ng boyfriend o girlfriend mo? Paano mo naman nasabi? Ano bang naging mga basehan mo? O Baka naman sadyang oa ka lang talaga. Dahil sinasabi ko sayo walang wala yan sa lamig ng tubig dito sa malumpati. Walang halong biro, purong katotohanan. Kung nagdududa ka, tuklasin mo ito ng sarili mo at mamangha pero bago iyon bibigyan muna kita ng maraming dahilan kung bakit kailangan mong isama ang malumpati sa iyong travel bucket list.
TARA NA SA...
TARA NA SA...
Matatagpuan ang Malumpati Cold Spring sa Brgy. Guia, Pandan, Antique sa Kanlurang bahagi ng Visayas. Makikita nyo sa larawan sa ibaba ang konkretong embankment o isang man-made pool na ginawa upang mabantayan ang lebel ng tubig at makaiwas sa pagbaha. Ang tubig na ito ay dumadaloy pababa sa 'Bugang River' na ilang beses nanguna sa cleanest inland body of water at pinangaralan ng Gawad Pangulo sa Kapaligiran bilang pinakamalinis na ilog sa bansa.
May dalawang bahagi ang pool na ito: ang malalim kung saan tinatayang nasa 3-4 meters deep at ang mababaw kung saan mabato ang tapakan. Pwede kang umarkila ng salbabida kung feel mong magpalutang lutang na lang sa paligid at tamasain ang kapayapaang nakapalibot dito. Maaari ka ring magdive kung iyong nanaisin mula sa bridge o sa mga sanga ng puno kung nabababaan ka pa sa diving board rito. Kung hindi ka pa nakukunteto e pwede ka mag trekking papuntang headspring at limestone forest at magwater tubing o bamboo raft doon.
Ngayong papaprating na ang summer marami nanamang dadayong tao dito mapa-lokal man o mapaturista para makaiwas sa tindi ng init at sikat ng araw. Hindi lang naman ang 20ºC na lamig ng tubig ang maipagmamalaki dito dahil kilala rin ito dahil sa malinaw at malakulay asul (literal) na tubig nito. Maraming nagsasabi na nagustuhan nila dito dahil sadya itong nakakarelax dulot ng mapayapang paligid nito. Ani pa nila ito'y isang lugar na magpapalimot sa iyong mga problema.
Kaya naman kung nagbabalak kang pumunta sa boracay, bakit di mo muna daanan at bisitahin ang malumpati nang mabighani sa taglay nitong kagandahan.
BEAT THE HEAT WITH MALUMPATI COLD SPRING!
Netflix and Chill is out...
Malumpati and Chill is in.
#Malumpati&Chill |
PAANO PUMUNTA?
Sumakay ng eroplano patungong kalibo airport sa aklan o di kaya'y barko pa-caticlan port pagkatapos ay sumakay ng bus o van na byaheng 'pandan' at bumaba sa Fullon. Maghanap ng tricycle at magpahatid sa malumpati.
OTHER DETAILS.
ENTRANCE FEE:P10 per head
COTTAGE: P25
ROOM:P1,000
PARKING FEE OF..
JEEPNEY & TRUCK - P30
TRICYCLE - P15
MOTORCYCLE - P5
P.S. Kung maitim ako ngayon, doble ang itim ko tuwing summer kaya wag na kayo magtaka kung di ko ginamit ang sarili kong mga litrato sa blog na ito.
photo credits to: Gerald Aranas Evaristo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento