TAMPISAW SA TAG-INIT
(ZAMBALES, PHILIPPINES)
Noong Abril 11, 2011 ay pumunta kami para makapag tampisaw sa mga dagat sa Zambales. 5 taon na ang nakalipas noong ako at ang pamilya ko at aking mga pinsan ay nagtampisaw sa mga isla ng Zambales upang makapagpahinga at mag relax-relax. Apat na araw kaming nagpalipas ng bakasyon dito. Marami ang pwedeng pasyalan dito ngunit napagpasya ng aking magulang at mga kamag-anak na puntahan lang namin ang mga dagat dito.
ANAWANGIN COVE
POTIPOT ISLAND
CAPONES ISLAND AND LIGHTHOUSE
MT. TAPULAO
MT. PINATUBO
CASA SAN MIGUEL
Una naming pinuntahan na isla ay ang Magalawa island kung saan ay nabusog ang aming mga paningin sa mga sea creatures na nakita namin.
Pinaglaruan umano ng aking mga kapatid ang mga starfish sa sobra rami nito ay tila bang langgam ito tignan sa dagat. At nakakatuwa dito ay may sari-sarili silang kulay at anyo agn iba ay may patusok sa kanilang likod at ang iba naman ay parang bato lamang.
Ito ang litrato ng aking mga kapatid na sayang saya sila na makahawak ng starfish.
Natulog kaming pamilya sa isang kubo na sobrang hangin at presko na habang kami'y nakahiga ay naririnig mo ang agos ng tubig na kakakalma ng utak at pakiramdam.
Tila bang hindi kami nabagot sa lugar na ito dahil walang masyadong tao hindi katulad ng boracay, na kahit anong araw ka pumutna doon ay palagi puno ng turista at masyadong commercialized ang lugar hindi katulad ng Magalawa island ay hindi ginagalaw ang mga sea corals. Ang buhangin dito ay para bang lumulubog ang paa mo sa isang quicksand. Ika nga nila Virgin beach daw ito dahil natural beauty ang islang ito.
Pagkatapos naman namin sulitin ang Magalawa island, kina-umagahan ay agad naming pinuntahan ang Capones island , nag lakad kami pataas upang makita ang pinaka inaasam ng aking magulang na makita ang view dahil sobrang ganda ng pananaw sa itaas.
Samantalang kaming mga bata ay nag tatampisaw at nagpapaka-negro sa beach dahil sobrang nakakaaliw ang malinaw na tubig nito.
Makakakita ka din ng malalaking kabuuan ng lupa dito na nasa gilid lang ng dagat na nakakaantig tignan dahil sa sobrang laki na nakakatakot.
Pagkatapos namin sa Capones island ay bumalik kami sa isang bahay na pinag parkignan namin ng kotse namin para hanapin ang isa pang kilalang resort. Dito ay kinita namin ang aking pianka malapit kong pinsan na sina pepper, nicole at ria. Upang makapunta sa Potipot island ay nag hanap kami ng barko at sumakay papunta doon.
Dito ay narating na namin ang sinabing isla na mala boracay daw ang buhangin at ang linaw ng dagat. pero hindi katulad ng Magalawa Island ay mas konti ang mga tubig hayop doon. Pero maganda dito kaya nag tampisaw kami magdamag.
Katulad ng mga pantaseryse sa mga telebisyon ay natapos ang araw na iyon at lahat kami ay nag gagayak na ng gamit para makaalis sa isla at makauwi na sa aming probinsya.
Habang nag hihintay kami matapos ang mga kasama namin mag ayos ng gamit ay nag uusap kami na nakaupo sa buhangin, hindi namin inakala na mag pipinsan na maganda ang zambales, dahil isa nga lang itong probinsya na hindi masyado napapansin ng mga turista kung hindi ang mga lokal. Kay ganda pala talaga ng pilipinas kung may panahon ka lang makita nag bawa't isa katulad na nga lang ng mga beach sa zambales.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento