Sabado, Marso 5, 2016

Someday This Day By: Krishna Marie G. Belen

Ang Batangas ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng Luzon sa rehiyon ng CALABARZON. Ang Lungsod ng Batangas ang kabisera nito. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Cavite at Laguna sa hilaga at Quezon sa silangan. 


Isa ang Batangas sa pinakasikat na destinasyong panturismong malapit sa Kalakhang Maynila. Maraming mga magagandang baybayin ang lalawigan at kilala sa magagandang pook sisiran o "diving spots" kasama ang Anilao sa Mabini, ang pulo ng Sombrero sa Tingloy, pulo ng Ligpo sa Bauan, ang mga lugar na ito ay higit na kilala bilang Anilao. Kasama rin sa mga dinarayong lugar ay ang Matabungkay sa Lian, Punta Fuego sa Nasugbu,Calatagan at Laiya sa San Juan. Sa Batangas din matatagpuan ang tanyag na Bulkang Taal, ang pinakamaliit na aktibong bulkan sa daigdig. Nasa Batangas ang ikalawang pinakamalaking daungang pandaigdig ng Pilipinas sunod sa Kalakhang Maynila.


Sunrise Cove, Calatagan Batangas

Sino nga ba naman ang hindi gugustuhin pumunta sa lugar na ito sa pangalawang pagkakataon?
Sino ba naman ang hindi mabibighani sa ganda ng tanawin at simoy ng hangin sa batangas?
Ako'y nabighani na ng hindi isa, ngunit dalawang beses pa.

Sunrise Cove, Calatagan Batangas


Ito ay ang Sunrise Cove, isang tagong dalampasigan na matatagpuan sa Calatagan Batangas.





Naramdaman ko ang kagandahan ng panahon at kapayapaan sa lugar na ito, malayo sa magulo at maingay na abalang kalye ng Maynila.Sa paligid na malayo sa entrance gates, naramdaman din namin kung gaano kaligtas at gano kami ka-welcome sa lugar. Matagal na 'kong nag hahanap ng tama at perpektong lugar, at tingin ko, Ito'y para sakin!


Kubo (tulugan)


Mula sa mga kubo at gazeebo na maari mong tulugan,,mararamdaman mo kung gaano 
kaaliwalas at komportable dito. ang matatanaw mo dito ay mga bulubundukin at syempre, ang maganda at malinis na dalampasigan.









at eto naman ang mga lugar na pwede mong pagkainan at natitiyak ko na habang kayo'y kumakain ay marerelax din kayo, dahil inyongmaririnig ang pag hampas ng alon at sarap ng simoy ng hangin. 











Nakakaramdam na ba kayo ng init? Halina't mag swimming sa dagat o di kaya naman aymag sun bathing sa ilalim ng init ng araw! 







kapag kayo'y pagod at gustongmag pahinga sa mas malilim at malamig na lugar, maari kayong mag paalon alon habang sakay ng balsa. 






Hindi lang kayo ang pwedeng mag enjoy, dahil pwede niyo din isama ang inyong mga alaga upang mag swimming at mag tampisaw.











kapag bagot at umay na kayong lumanggoy ng lumanggoy, Halina't mag laro ng frisbee!!










Sa pag sapit ng gabi...

sunset








habang kayo'y nag rerelax at nag aabang ng hapunan. maari muna kayong mag relax sa kubo at saksihan ang paglubog ng araw.



At sa pag kagat ng dilim, mararamdaman mo ang lakas at lamig ng simoy nghangin.
tara na't mag kwentuhan sa ilalim ng buwan sa harap ng isang mainit at nakakakalmang bonfire!!






Pag sapit ng umaga, kami'y nag almusal at nag lakad lakad sa may dalampasigan. at siyempre, bago umalis, picture picture muna!







Marimar x Pulgoso











Sa overnight stay namin dito, masasabi kong sulit at na enjoy ko ang stay namin dito.
isang tahimik at mapayapang lugar upang magbakasyon. inyo itong dapat bisitahin at gawing memorable ang inyong bakasyon.Hanggang sa susunod natingadventure!






                                                                                                     


                                                                                        xoxo, Krishna Belen


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento