Huwebes, Marso 3, 2016

Nangaramoan Island: Trip to the border by Nika Dela Cruz

Nangaramoan Island: Trip to the border

by Nika Dela Cruz



"New year, new adventures" yan ang palagi kong sinasabi sa sarili ko tuwing bagong taon pero madalas ay hindi naman gaanong natutupad dahil sa aking schedule bilang isang estudyante. Pero ngayon, mukhang maganda ang pasok ng taon na ito para sa akin. Dalawang buwan palang ang nakakalipas pero may mga naka-check na sa bucket list ko at isa diyan ay ang pag punta sa isang white sand beach resort maliban sa Boracay na hindi pa masyadong napupuntahan ng nakararami.


Nito lamang Pebrero 27 ay pumunta kami ng mga pinsan ko sa resort na ito sa Sta. Ana, Cagayan Valley. Mahaba-habang byahe din bago maka punta sa nakatagong paraiso na ito na matatagpuan sa border ng hilagang parte ng ating bansa at hindi pa masyadong nadidiskubre ng mga tao ang paraisong ito dahil sa layo nito pero may mga namamahala naman dito. Mula sa Maynila ay aabutin ng 15 na oras o higit pa bago makarating dito. Pero paniguradong sulit na sulit ang pagod sa byahe dahil sa daan pa lamang ay mabubusog na ang ating mga mata sa pag tingin pa lamang sa napaka berdeng paligid na punong puno ng puno at parang nasa kawalan na ang pakiramdam dahil kakaunti lang ang populasyon sa lugar na ito. Tamang tama ito para sa mga taong gustong lumayo ng panandalian sa realidad at mag pahinga muna sa ingay ng Maynila.


lokasyon ng Sta. Ana, Cagayan Valley



Welcome to Sta. Ana

Nangaramoan beach, Sta. Ana, Cagayan Valley

Dumating kami dito bago mag tanghali kaya't sikat na sikat ang araw, hindi muna kami nag swimming agad dahil balak namin mag swimming kapag palubog na ang araw. Kaya wala kaming ibang ginawa kundi ang mag picture at kumain. Medyo may kalayuan talaga ang beach na ito kaya dapat ay mamili na ng pagkain sa bayan na 30 minuto ang layo dahil walang kainan sa resort na ito. Ang cottage naman na aming tinuluyan ay may kaaya-ayang disenyo na mala-tree house ang itsura dahil mayroon itong maliit na kwarto sa taas ng puno at may lamesa at mga upuan na gawa sa kawayan sa ilalim nito. Napaka-presko dito unang una dahil malayo ito sa siyudad at talagang likas na yaman ang nangingibabaw. 




Ngiting tagumpay


Kapansin-pansin din na kakaunti lang ang mga turistang kasabay namin dito kaya naman ay tinodo na namin ang aming "pictorial" sa napaka-gandang lugar na ito na pati ang lumot ay ibinida ko sa aking mga litrato. Kasabay niyan, ay nilibot din naming magpipinsan ang halos kabuuan ng islang ito. Namangha kami sa iba't ibang rock formations na aming nakita at isa pa sa kinamanghaan ko ay ang "low tide." Oo, ang "low tide." Ni hindi manlang kami nakalangoy ng tuluyan dahil sa kahihintay namin sa pag lubog ng araw ay di namin namalayan na pababaw na pala ng pababaw ang dagat dito na umabot na lamang sa aming mga tuhod. Ginusto naming lakarin ang dagat hanggang makita ang "sea wall" kung saan malakas na ang alon pero sa matinding sikat ng araw ay hindi na kami tumuloy at sa halip ay mistulang nag "soul searching" nalang kaming magpipinsan. Tiyak nga namang naiparamdam sa akin ng lugar na ito na may ibubuga talaga ang ating bansa pag dating sa likas na yaman. Sa byahe pa lamang ay nabusog na ang aking mga mata, at hindi rin ako nabigo ng masilayan ko na ng personal ang islang ito.









Pagkatapos naming maglibot at mamangha sa kakaibang ganda at misteryo ng lugar na ito ay naghanap kami ng ibang mapaglilibangan, kaya't naisipan namin na mag ihaw-ihaw at mag renta ng karaoke. Busog na aking mga mata, busog na busog din syempre ang aking tiyan sa masarap na kainan. Tulad nga ng nasabi ko kanina, walang kainan dito kaya buti na lamang ay naisipan ng aming mga tita na bumili ng mga pang ihaw-ihaw gaya ng bangus at pusit.





Habang lumilipas ang oras, ay lalo pang bumababa ang tubig sa dagat at halos matuyo na ang ibang parte nito na dumagdag pa sa pag hanga ko sa islang ito. Napaisip tuloy ako kung kasali ba ito sa mga islang lulubog-lilitaw? Kung ganunman, isang napaka-gandang alaala na napadpad ako dito. Ulit naming inikot ang lugar at patuloy na pinagmamasdan ang ganda nito na minsan lang namin nakikita.










Tunay ngang "It's More Fun In The Philippines." #WhenInCagayan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento