Eskuwelan, bahay, eskuwelahan, bahay… Talaga nga namang nakakasawa ang pang araw-araw na gawain tuwing lunes hanggang biyernes. Kaya naman kapag katapusan na ng linggo, tanging saya at galak lang ang aking nararamdaman, kulang na lang ay magpa-pyesta ako sa saya.Ang mga estudyante na tulad ko ay karapat-dapat ring makaranas ng pahinga, dahil kami ay tao lang rin lamang. Kaya naman isang linggo, pinag-isipan kong mabuti kung saan ako pupunta para makalimot sa pagkapagod ko sa eskuwelahan kahit sa sandaling panahon lamang.
At naisipan ko na ayain pumunta sa Barkin’ Blends ang aking kaibigan at doon na lang mag-relaks.
Kayo ba ay mahilig sa kape? E sa mga aso? Kung mahilig ka sa dalawa. Mayroon akong café para sa inyo. At ito ang…
Barkin’ Blends Café
Open everyday except Tuesdays, 12 noon to 9pm.
Ano nga ba ang Barkin’ Blends?
Ang Barkin’ Blends ay isang dog café. Pwede kang kumain at uminom na parang sa mga café at pwede ka ring makihalubilo at makipaglaro sa mga aso na nandoon.
Saan ang Barkin’ Blends?
Lokasyon : 91 Rosa Alvero St., Loyola heights, Quezon City, Philippines
Nagsasakyan kami papunta sa Barkin’ Blends at gumamit ng application na Waze (Thank you Waze!)
Ang barkin’ Blends ay mayroong dalawang kwarto. Ang Human Zone at and Dog Zone. Pagkarating doon ay dumeretso muna sa Human Zone dahil dito pwedeng kumain at uminon at dito rin nakakakuha ng ticket para makapasok sa dog zone.
Human Zone
Ang Human Zone ay ang iyong tipikal na café. Mayroong mga inumin,pagkain at mga upuan. Gaya ng sabi ko, dito nakukuha ang ticket para makapasok sa Dog Zone at ito ay nagkakahalagang 190 pesos at ito ay valid ng dalawang oras at may inclusive na inumin na mayroong additional na babayaran depende sa kung anong inumin ang iyong pipiliin.
Mayroong nakapaskil na mga rules bago ka pumasok sa dog zone
At ang mga aso na makakahalubilo sa Dog Zone
Maraming pwedeng pagpilian sa kanilang menu. Mayroong mga coffee, frappe,tea, rice meals, pasta, sandwiches at dessert. Ang presyo ay masasabi kong affordable dahil ang pinakamura ay mabibili sa halagang 60 pesos at ang pinakamahal naman ay sa halagang 150 pesos.
Ito ang napili kong drink, ang hazelnut flavoured na salt rock and cheese
Dog Zone
Bago pumasok sa Dog Zone ay kailangang pindutin muna ang doorbell na nasa labas bago ka papasukin ng isang personnel. Pagkapasok ay ibibigay nila ang iyong locker para may mapaglalagyan ang iyong bag o ano mang gamit at sapatos. Dito ay kailangan mag hand sanitizer at magpalit ng tsinelas na sa loob lamang ng Dog Zone ginagamit para mapanatiling malinis ang loob nito.
Mayroong mga tao sa loob na nagbabantay at naglilinis ng ihi o dumi ng aso (Posible itong mangyari) May isang pagkakataon na nakita namin ng kasama kong umihi ang aso sa sahig. Masasabi ko na ang sanitasyon sa lugar na ito ay disente dahil dali-daling nilinis ito ng isang personnel (gumamit ng mop at may inispray na anti-bacterial na spray).
Ayon rin sa Barkin’ Blends ay mayroong shifting schedule ang mga aso para maiwasan ang pagka-stress ng mga aso. At mayroon ring signage na nagsasabing lahat ng aso ay vaccinated sa isang spesipikong veterinary clinic, pinapakita nito na lahat ng aso ay naaalagaan ng mabuti.
Overall Experience :
Masasabi ko na ang karanasan ko sa Barkin’ Blends Dog Café ay kakaiba at ang kanilang konsepto ay kakaiba. Hinihikayat ko na pumunta dito ang mga mahihilig sa mga aso o “dog-lover” na hindi makapagalaga ng sariling pet dahil sa kung ano mang dahilan, sa mga gustong makaranas kung anong pakiramdam makihalubilo sa mga aso at syempre sa mga mahilig talaga sa mga aso. Nirerekumenda ko na pumunta dito ang mga tao at subukan ang café na ito para sa pambihira at hindi pangkaraniwan na karanasan.
Barkin’ Blends
·
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento