STAR CITY
MARCH 4, 2016 BY: RICA LEANNE M. DE GUZMAN
Gusto mo na bang mag-relax mula sa napakastressful mong
school works o trabaho? Gusto mo na bang mapahinga mula sa mga terror mo na professor
at sa demanding mo na boss? Kung oo, may alam akong lugar kung saan ay
mag-eenjoy kang tunay!
Sa abot kayang halaga at hindi nakakabutas bulsa na
presyo ay makakaranas kang makapag-enjoy at makapagpahinga nang hindi na
iniisip pa ang pag-aaral at trabaho. Isa pa, ito ay madali lang puntahan dahil
sa malapit ito.
Tara na sa Star City! Oo. Alam kong masyado nang common
ang lugar na ito. Ngunit sa tingin mo ba ay nagawa mo na ang lahat ng magagawa
mo rito? Sa sobrang dami ng pwede mong gawin sa Star City ay baka kulangin pa
ang isang araw sa iyo!
Ipapakita ko sa blog na ito ang mga iba’t ibang libangan
na matatagpuan sa Star City! Dito mo makikita kung gaano talaga kaganda,
kasaya, at karelaxing ang pagpunta rito! Talaga nga naming hindi ka manghihinayang
sa pagpunta mo rito.
RIDES AND ATTRACTIONS
EXTREME RIDES
STAR FLYER
Sinasabi na ito ang natatanging “Inverted
Roller Coaster” sa Pilipinas. Ipinararamdam nito sa nakasakay dito kung ano ang
pakiramdam ng lumilipad habang ang katawan mo ay tila nakataob. May bilis ito
na talagang mas ikinakasaya ng mga sumasakay dahil sa dagdag nitong “thrill”.
Ito ang isa sa mga rides na dinadayo ng mga taong bumibisita sa Star City. Madalas
nga lang na mahaba ang pila sa ride na ito ngunit tiyak na sulit ang
paghihintay mo dahil sa saying idudulot sa iyo ng ride na ito.
JUNGLE SPLASH
Ito ang isa sa mga pinakadapat mong sakyan na
ride sa Star City kung nais mong mag-enjoy na tunay! Subalit, kung ayaw mong
mabasa ay hindi kita mapapayuhang sakyan ang ride na ito. Talagang mapapakaba
ka sa pagsakay mo rito dahil mula sa napakataas na bahagi ay bubulusok ka
pababa at malaki pa ang posibilidad na mabasa ka. Sa aking karanasan ay halos
bumaliktad ang sikmura ko sa sobrang kaba ngunit sa bandang huli ay tila gusto
kong umulit dahil sa saya at tuwa na naidulot ng ride na ito sa akin.
Sa bawat paggalaw nito ay tila nakikisabay ang
nakasakay dito sa bawat ikot, angat, biglaang pagbaba, at iba pang twist na
mayroon ang ride na ito.Talagang maghahalu-halo ang emosyon ng nakasakay dito
mula sa pagkakatuwa, pagkakaba, pagkasaya, pagkaenjoy, at kung ano pa man.
Hindi masyadong matunog o common ang ride na ito dahil hindi ito madaling
makita. Nasa bandang gilid kasi ang ride na ito ngunit kapag ito’y nasubukan mo
na ay tiyak na babalik-balikan mo ito.
ATTRACTIONS
STAR DOME
Sa atraksyon na ito ay talagang mabibihag at
maakit kayo dahil sa ang mga mystical creatures na sa libro o sa mga pelikula
mo lamang nakikita ay mabubuhay dito. Sila ay makikita gamit ang 4D o 4 Dimensional
na feature ng atraksyon na ito. Mas kapansin-pansin o mas kaakit-akit ang
atraksyon na ito sa mga bata.
SNOW WORLD
Gusto niyo bang makaranas ng “snow”? Kung oo,
subukan ninyo ang “snow world” na atraksyon ng Star City kung saan ay
makakaranas kayo ng snow at makikita niyo rin ang sinasabing pinakamalaking
snow slide sa bansa! Sino ang nagsabing sa ibang bansa lamang makakaranas ng
snow? Mayroon din sa Star City! Kailangan lamang ay magsapatos kayo bilang
bahagi ng patakaran ng atraksyon na ito. Talaga nga naman kasing malamig sa
loob nito.
PIRATE ADVENTURE
Ang atraksyon na ito ay bagay na bagay para sa
mga bata. Ngunit, maganda rin naman ito kung gusto niyong magbonding na
pamilya. Habang nakasakay sa isang bangka ay maglalakbay ka na parang isang
tunay na mandaragat. Makikita at mararanasan mo sa loob ng atraksyon na ito ang
pambihirang karanasan ng mga pirata. Makikita mo ang iba’t ibang kagamitan ng
mga pirata sa loob nito, mga gamit na madalas makita ng mga bata sa cartoons na
kanilang pinapanuod.
FAMILY RIDES
DRAGON
EXPRESS
Ang tema ng ride na ito ay tila ang mga nakasakay ay nasa bansang Tsina. Isa itong mini roller coaster na hindi lamang para sa mga bata kung hindi ay pupuwede rin para sa iba pang miyembro ng inyong pamilya. Bibigyan kayo ng ride na ito ng tila "mini heart attack" dahil sa thrill na mararamdaman mo habang nakasakay dito.
OTHERS
Maraming pupuwedeng kainan sa loob ng Star City kaya
tiyak na ikaw ay hindi gugutumin dito. Kailangang-kailangan mo ng break mula sa
tuloy-tuloy na exciting rides na mararanasan mo rito. Panigurado na mabubusog
ka mula sa mga pagkain dito dahil ang mga ito ay kilalang pagkain na tiyak na
tatakamin ka. Ilan lamang dito ang Kenny Roger’s Roasters, El Bonito’s, at
Potato Corner. Mayroon ding pagkain na pang-snack para sa mga bata gaya ng ice
cream, at iba pa. Kaya naman ay tiyak na kumpleto ang masayang experience mo sa
Star City!
HOURS AND DIRECTION
Lunes hanggang
Sabado- 4:00 PM onwards
Biyernes, Sabado, at Linggo- 2:00 PM onwards
Ang Star City ay matatagpuan sa loob ng Cultural Center
of the Philippines (CCP) Complex sa lungsod ng Pasay.
FOOD AND BEVERAGE
Maraming pupuwedeng kainan sa loob ng Star City kaya
tiyak na ikaw ay hindi gugutumin dito. Kailangang-kailangan mo ng break mula sa
tuloy-tuloy na exciting rides na mararanasan mo rito. Panigurado na mabubusog
ka mula sa mga pagkain dito dahil ang mga ito ay kilalang pagkain na tiyak na
tatakamin ka. Ilan lamang dito ang Kenny Roger’s Roasters, El Bonito’s, at
Potato Corner. Mayroon ding pagkain na pang-snack para sa mga bata gaya ng ice
cream, at iba pa. Kaya naman ay tiyak na kumpleto ang masayang experience mo sa
Star City!
Para hindi mo malimutan ang napakasayang experience mo sa
Star City, pupuwede kang bumili ng souvenir sa kanilang souvenir shop. Ilan
lamang sa mga souvenirs na maaari mong mabili rito ay ang mga unan, stuff toys,
mga damit (pambata, panlalaki, o pambabae man), mga mug, keychain, at kung ano
pang mga accessories. Ibinebenta ang mga kagamitang ito sa murang halaga lamang.
Kaya naman ay hinihikayat ko kayong bumili rito ng sa gayon ay may maitatabi
kayong bagay na makakapagpaalala sa inyo ng maganda at masayang karanasan ninyo
sa Star City. Bili na rito!
PRICE AND PACKAGES
ADMISSION
FEE:
Php 70.00
Ito ay pang-entrance lamang sa Star City.
3
CHEERS TICKET: Php 390.00
Makakasakay ka sa tatlong rides na ikaw din mismo ang
mamimili!
RIDE-ALL-YOU-CAN:
Php 450.00
Unlimited access sa mga kiddie rides, Family rides, Older
kid, Teen, and Adult rides, Extreme rides, at Attractions!
SNOW
WORLD: Php 150.00
Unlimited na Entrance sa Snow World!
STAR
DOME: HEART OF THE DRAGON: Php 90.00
Ito ay good for one entry.
LAZER
BLASTER: Php 100.00
Ito ay good for one game.
SCREAM
AVENUE: Php 120.00
Ito ay good for one screen showing.
Ang mga batang may tangkad na 34 pulgada pababa ay libre
na pagdating sa entrance! Ngunit, kung sila ay sasakay sa rides ay kailangan
nila ng kasamang matanda na papatnubay o gagabay sa kanila sa ride na kanilang napili. Ang mga
bata naman na may tangkad na mas maliit sa 30 pulgada ay maaaring makapasok ng
libre ngunit hindi maaaring sumakay sa kahit anong ride para na rin sa kanilang
kaligtasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento