Natatanaw mo ba ang leon
na tila may buntot ng sirena? Ang tawag sa statwang ito ay “Merlion”. Ito ay
tinuturing na landmark ng Singapore. Kung ating iisipin, mahal nga ang halagang
kakailanganin makapunta lamang dito. Nakabubutas ng bulsa ngunit sulit naman
kung ang iyong hilig ay maglakbay.
Kapag ating tiningnan sa
mapa, makikita na ang bansang ito ay kapiraso lamang kumpara sa pumapalibot na bansa, ngunit; ang bansang ito naman ay
pumapangalawa sa listahan ng mayayamang bansa sa kasalukuyan. Di na ito maitatanggi pa
dahil sa mga destinasyon rito na tila langit na ang dating. Ang kapaligiran sa
bansang ito ay maaliwalas at ang mga mamamayan dito ay mababait at madaling
malapitan.
Ako at ang aking pamilya ay dumayo sa Singapore nung taong 2015 ng Abril. Bagamat isang lingo lang kami naparoon, masasabi kong sulit at masaya ang aming paglalakbay. Kami ay tumahan sa Marina Bay Sands kung saan ang kanilang serbisyo ay masasabing “top notch”. Ito ang pinakatampok na hotel sa Singapore. Ito ay isang five star hotel at masasabing five star rin ito sa serbisyo, sa mga kagamitan, at mga tanwin na nakapalibot dito.
Kung ikaw dadalaw sa lugar na ito, mapapansin na ang kalidad ng kanilang mga kagamitan ay namumukod-tangi. Mula sa mga
upuan hanggang lamesa ay makikintab at malilinis. Damang dama rito ang
pakiramdan ng nasa sariling bahay kung saan wala kang dapat ipagalala.
Ito ang tanawin mula sa
pinaka tuktok ng hotel. Nakakabighani ang tanawin dito dahil kitang kita rito
ang malaking parte ng Singapore.
Mapapansin rito ang napakalinaw nilang karagatan at napakaraming puno na nakakapagtanggal
ng stress kapag tinititigan. Kitang kita rin dito kung gaano kaganda at alagang alaga ang kanilang kapaligiran.
Mapapansin rito ang napakalinaw nilang karagatan at napakaraming puno na nakakapagtanggal
ng stress kapag tinititigan. Kitang kita rin dito kung gaano kaganda at alagang alaga ang kanilang kapaligiran.
Kung
inyong mapapansin, ang swimming pool na ito ay halos kasing taas na ng ibang
gusali na nasa paligid nito. Isa itong swimming pool na nakalagay sa
pinakatuktok ng gusali. Habang ikaw ay lumalangoy, kitang kita mo rito ang mga
building at mga kalye mula sa taas ng hotel. Ingat ka lang habang sumisilip
kasi nakakalula talaga siya!
Habang naglalakad sa Singapore, maraming tao ang mapapansing palangiti. Hinding
hindi nila ipaparamdan sa kanilang mga turista na naiiba sila. Itinuturing na parang kanilang kapwa ang lahat ng kanilang makikitang dayuhan. Masasabi din na hindi kailangan gumastos ng malaki sapagkat ang mga public park lamang ay
kamangha- mangha na.
Sa Universal Studios, isa pang pasyalan na tampok dito sa Singapore, ay ang lugar kung saan masisiguradong ikaw ay uuwing masaya. Ito ay isang amusement park na lagaing dinadayuhan ng mga turista sa kanilang bansa. Ito ay hindi lang para sa kabataan kung hindi pati rin sa may mga nais maging bata muli.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento