Huwebes, Marso 3, 2016

THE BEST ISLAND TO BE TRAPPED IN: ART IN ISLAND! LET YOUR IMAGINATION GO WILD WITH ART. By: Carla Sarahmina Chu



     Ang Art in Island ay isang interaktib na museyo sa Cubao. Ito and pinakamalaking 3D art museum sa buong Asya. Ito’y nagbukas noong nakaraang Disyembre 25, 2014. Kung halos lahat ng museyong alam mo ay pinagbabawala ang pagkuha ng letrato, o hawakan ang mga artifacts pero iba ang Art in Island! Sa museyong ito iba ang patakaran. Ang kamera mo ay ang iyong magiging kaibigan sa museyong ito sapagkat ang mga art dito ay nakapinta sa sahig, dingding, at pader sa tamang pagkuha ng letrato makikita mong maroon itong 3D effect na tiyak perpektong pang DP sa Facebook. Masaya dito dahil Ika’y makikipag interakt sa mga Art na may mga kanya kanyang mga istorya. Ito na ang tamang pagkakataon para ilabas ang pagiging pusong bata kaya tara sa Art in Island!

     Bago mo simulan ang iyong paglalakbay sa islang ito ay kailangan mo muna dumiretso sa Ticket Booth upang kunin ang iyong ticket. May kamahalan ang ticket peroo tinitiyak ko naming sulit ito. May mga discount ang mga estudyante at mga matatanda, magpakita lang ng valid ID. Tatakan ang iyong kamay bilang tanda na ika’y nagbayad.


     Sa museyong ito bawala ang sapatos. Kagaya ng aking sinabi kanina may mga pinta ang sahig. Upang hindi madungisan at mapanatili ang kagandahan ng museyo lahat ng mga dumadayo ay kailangan mag paa o medyas. Kailangang ipaubaya muna sa shoe counter ng museyo ang iyong sapatos bago simulan ang paglalakbay. Wag maalarma kung wala kang suot o dalang medyas dahil may nabibili naman sa shoe counter.


     Sa pagpasok, ang unang makikita niyo ay mga Optical Illusions.  Ang mga imahe na ito ay mapaglaro at nakakalibang tignan. Kagaya na lamang ng unang letrato, kung iyong pagmamasdan hindi lamang isang batang nakatalikod ang iyong makikita kundi isang matanda ring nakapikit. 



     Ang Optical illusion ay isang bulwagan lang ng museyo. Sa iyong pagliko ay ang mga themed-zone na. Ito na yung mga nakapinta sa sahig, dingding, at pader na pwede niyong bigyan ng kulay gamit ang iyong naisip na pose. Hindi lahat ay pintado may mga ilang kagamitan din na inayos upang maging 3D pag ito’y kinunan ng letrato.

Ito ang ilang mga letrato ng aking paglalakbay sa Art in Island kasama ng aking kaibigan na si Bea.
















*

Isang paalala lamang:

Dahil nga isa itong interactive museum pwede itong maging magulo dahil sa dami ng tao kaya maging maingat at respetuhin ang ibang mga turista sa naturang lugar. Ugaliang pumila at intayin nang mahinahon ang iyong pagkakataon.

*

     Dalawa lang kayo? Mag-isa ka lang ba? walang problema! wag mag alala dahil ang staff ng Art in Island ay andiyan upang maging partner mo (taga picture). Bawat themed-zone spots ay mga gabay katulad ng larawan sa ibaba. nakasulat doon ang mga pose na epektibo at nakalagy rin doon ang tamang angelo nang pagkuha ng letrato.




     Pagod ka na ba? wag kang mag-alala sa loob ng museyo ay may dalawang kainan. Ang isa ay nasa 2nd floor at ang isa naman ay malapit sa labasan ng museyo. Maganda ang lugar, tiyak na magaganahan kang mag merienda! Maaliwalas at maganda ang view. Hindi lang nakakabusog sa tiyan pati na rin sa mata! Iba talaga ang Art in Island!






*****
Oras na Pwedeng Pumunta:

Tues-Sun, 9:30AM-9:30PM

Perang Magagastos:

PHP500

Mga maaring sakyan: Taxi, LRT, Fx, Tricycle

Nasaan ang Art in Island?

Ang Art in Island  ay malapit sa Gateway Mall, Araneta Center, Ali Mall and Cubao Expo.

Art in Island

Admission Fee:Adult – PHP500, Student, Senior Citizen and PWD – PHP400
Address:175 15th Ave. Brgy. Socorro, Cubao, Quezon City
Contact No.:(02) 421-1356
E-mail: artinisland@gmail.com

***



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento