Daboh ng Obo, dahwoh ng
Clatta, at dabu ng Tagabawa – iyan
ang pinagmulan ng salitang DAVAO. Ang salitang ito, nangangahulugang “beyond the higher grounds” o “over the hills yonder”, ay
pinagsama-samang ponetika ng tatlong pangkat ng Bagobo.
Ang Davao ay opisyal nang naging siyudad sa
ilalim ng pamamahala ni dating Presidente Manuel Quezon na pumirma ng Commonwealth Act No. 51 na kilala din
bilang Charter of the City of Davao.
Ang lungsod ay nahahati sa tatlong probinsya – Davao del Sur, Davao del Norte
at Davao Oriental.
Noong
Disyembre 2013, nagkaroon ako ng pagkakataong maka-alis muli ng Maynila kasama
ang aking ina’t kapatid. Ang lugar ito ay ang aking ikatlong lokal na
destinasyong napuntahan sa pamamagitan ng pagsakay ng eroplano – ang siyudad ng
Davao.
1. Transportasyon
- Eroplano
Nagtagal nang dalawang oras ang biyahe mula Maynila
hanggang Davao. Mapayapang at maayos na paliparan ang sumalubong sa amin.
Idagdag na rin ang mga maiinit na pagsalubong ng maasikasong empleyado ng
nasabing paliparan. Hindi nagtagal, dumating ang sundo naming mula sa
akomodasyong iminungkahi saamin.
Namangha naman ako sa nakita ko pagkalabas
sa paligid ng paliparan, ang manmade
landscape na may nakasaad na “Davao –
Life is Here”.
- Pedicab/Tricycle
Ito ang unang pagkakataon kong makasakay ng
pedicab. Hindi na ako magsisinungaling, pero sumanggi talaga sa isip ko na
nahihirapan ang mamang nagmamaneho ng aming sinasakyan. Hindi gaanong kamahalan
ang singil sa bawat sakay, hindi tulad ng sa Maynila.
- Colored Taxi
Ordinaryo na sa mga Dabawenyo ang makakita ng
makukulay na taxi sa kanilang
lungsod. Di tulad sa karaniwang taxi na nakikita sa Maynila na kulay puti’t
dilaw, mayroon silang blue na unang
nagkaroon ng LED signage, orange na
unang nagkaroon ng maliit na TV sa loob, silver,
purple, green, pink at higit sa
lahat, black na tumatanggap ng debit card para sa bayad.
- Roro
Sa araw na iyon, una kong naranasan
sumakay sa isang roro. Tumagal ng 10-15 minuto ang biyahe papuntang Samal
Island ng Davao del Norte. Kamangha mangha na ang van na sinasakyan namin ay nataunang pumwesto sa gilid ng roro, na
mapapaisip kang nasa dagat ang sinasakyan mong van dahil sa masisilayan mong
dagat sa iyong kapaligiran.
2. Akomodasyon
Sa aming pamamalagi
sa Davao nang apat na araw at tatlong gabi, pinili naming ang iminungkahi sa aming
inn – Tinhat Botique Hotel &
Restaurant – na may tag line na “Home
Sweeter than Home”. Ang mga empleyado ay napakababait,
maasikaso at may personal na pakikisama sa mga bisita. Tunay ngang home sweeter
then home ang inn na ito. Hindi problema ang rates sa nasabing inn sapagkat
risonable ang iyong babayaran. Ika nga nila “you get what you pay for”. Sa
pagkakaalam ko, kasama na sa kanilang akomodasyon ang pang-araw-araw na
almusal.
3. Atraksyon
- Ang Davao ay sinasabing multi-cultural and cosmopolitan people sapagkat 11 major indigenous tribes ang nasa lalawigan.
- Crocodile Park - Matatagpuan dito ang Davao Butterfly House at ang Tribu K'Mindanawan
- Eden Nature Park - Isang malaking parke na may iba't ibang masasaya at kakaibang gawain para sa mga turista. May ekslusibong bayad rin ang tour para sa loob ng parke.
- Monfort Bat Colony - Ang Monfort Bat Colony ay tinagurang Geoffroy’s Rousette Fruit Bats ng Guiness World Records, na matatagpuan sa Samal Island.
- Iba't ibang modernong pasyalan - SM City Davao, SM Lanang Premiere, Davao Chimes Mall, at Abreeza Ayala Mall
- David Replica
44. Entertainment
- Skycyle (Eden Nature Garden)
- Ziplining & Tour (Eden Nature Garden)
- Fire Dance (Crocodile Park)
5. Souvenirs and Handicrafts
- Ang Davao raw ay business-friendly. Sa katotohanan, kasali ang Davao sa Top 10 Asian Cities of the Future ng FDI Magazine. Sinasabi ring ito ang Most Competitive Metro City sa ating bansa.
- Aldevinco Shopping Center
Ito ang pinakasikat na lugar kung saan makakabili ng mga pasalubong, native products at souvenirs. Matatagpuan din dito ang mga Dabawenyong nagbebenta ng tunay na perlas na alahas. Ito ang ilan sa mga akin nabili sa Aldevinco:
Keychains, 11 for P100 |
Owl patch backpack, P300 |
- Sinasabing nasa Davao raw ang best potable water in the world. Karagdagan, mas malaki ang halaga ng pera sa lalawigang ito sapagkat sariwang sariwa at matataas ang kalidad ng mga agrikultural na produkto rito.
Binigay ng may-ari ng Inn na aming tinutuluyan sa amin |
- Hindi ko palalampasin ang mga pagkain sa karanasang ito. Ilan sa mga babanggitin ko ang aming nasubukang pagkain na maaaring sa Davao lang matagpuan.
- Exotic Coffee (@ Karlo's Gourmet & Coffee, P125)
Sinubukan ko ang mangosteen frappucino |
- Lola Abon's Pasalubong - madalang na makakita ako ng mga produkto ng Lola Abon's sa mga supermarket sa Maynila, sa kadahilanang ito, higit na mas mataas ang presyo nito rito.
- Nanay Bebeng Restaurant - Isa ito sa mga buffet restaurant na aming nasubukan. Sinasabing ito ay sikat at dapat subukan ng mga turista sa Davao. Sumasang-ayon ako sa mga sinasabi ng Dabawenyo.
7. Tourism Planning and Development
- Ang Davao City ay isang ligtas na destinasyon dahil ito raw ang siyudad na may pinakakaunting bilang ng krimen bawat buwan. Idineklarang itong Best Police Office sa bansa.
- Ang siyudad ay may isang matatag na opisyal sa gobyerno. May mas tatatag pa ba kay Duterte? :)
- Sinasabi rin na ito ang Most Prepared to Respond to Emergencies sapagkat mayroon silang Central 911 na nagpapahiwatig ng integrated response system na sinasabing Davao lang ang nag-iisang Asian city na mayroon ng sinabing sistema.
8. Allied Services
- Mayroong magagandang pampublikong pasilidad at imprastraktura ang Davao dahil mayroon silang palagiang suplay ng tubig at kuryente 24/7.
Tunay na kakaiba ang karanasan ko sa pamamalagi sa Davao City. Life is Here, ika nga ng mga Dabawenyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento