Huwebes, Marso 3, 2016

ALIYA: A Surfer’s Paradise
by Luigi Z. Gatan
Baler, Quezon

Oktubre 31, 2013 1AM. Kasama ang pamilya na madaliang kumuha ng bagahe at damit hindi nag-alinlangang sumakay ng kotse para makapunta sa kinaroroonan. 
Sa mga oras na lumipas lahat ng tao sa kotse ay tahimik at napapaisip kung “Saan kaya kami dadalhin ni Tita Chit (Mama ko)?”. 
Bagot, natutulog at pagod sa biyahe ng malaman naming nakadating kami sa isang hindi pangkaraniwang destinasyon.

Bahagya ang mga tao at hindi katulad ng ibang dalampasigan na parang gatas ang kulay ng buhangin o kasing linaw ng tubig na parang nakikita mo na ang kaluluwa nito. 
Ito ay hindi man gaanong kaakit-akit sa mga mata ng iba pero masasabi kung paraiso ko ito.




































Pagkababa ng sasakyan unang makikita agad ang resort na parang walang tao. 
Ayun pala lahat sila ay naghahanda na para maabutan ang mga malalakas na alon.

Kilala rin ang Baler sa mga lugar kung saan lumaganap ang kulturang surfing dahil na rin sa malalaks na alon dito na pagtinamaan ka para ka ng sinampal ng syota mung galit nag galit sayo.


 








Si Enzo ay isang undergraduate student ng College of Fine Arts and Design sa Unibersidad ng Santo Tomas at isa rin sa kaibigan ng aking pinsan na nagmamayari sa Aliya Resort.
 Mabait, masiyahin at marunong makisama sa mga taong nasa resort niya

Madami akung natutunan sakanya hindi lang kalokohan pati narin ang pagiging masaya sa mga simpleng bagay.






Ano ang magandang depinisyon ng resort na ito para sa akin? Siguro ito na nga ang “Home Sweet Home” na parang bahay mo na rin lahat ng taong hindi magkakilala nagiging kaibigan pati na rin ang staff na parang pamilya ang pakikitungo sayo.

“Soul Adevnturer” yan ang sabi niya sa akin. Siguro nung panahon na iyon swinerte kami na doon kami napadpad.
Babad man sa araw, pasa sa magkabilaang binti at malalakas na alon pero sulit at saya naman ang kapalit dito.




 
 
 








Hindi lahat ng destinasyon ay nakakaakit sa mata pero
kinulang man ako sa araw ko sa Aliya pero alam ko balang araw makikita at makakasama ko ulit ang mga taong nagbigay sa akin ng rason na hanggang ngayun pinaninindigan at pinahahalagaan.



















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento