sBread the Love by Christine Kei Del Rosario
"sBread Your love" sabi nga ng amor bakery...kung tulad ko kayo na mahilig sa mga pastries at tinapay, siguradong papatok sa inyo ang lugar na ito.
Ang amor bakery ay nag bebenta ng iba't ibang klase ng tinapay na bukod sa masarap ay kaaya aya rin ang itsura. Mayroong kaunting kamahalan ang mga tinapay at cake dito kumpara sa mga normal na itinitinda sa mga bakery ngunit para sa akin ay sulit naman ito dahil sa lasa at sa mala "instagram worthy" na itsura ng mga ito.
Hindi lamang ang mga pagkain ang nakaka akit sa mga mata ng mga mamimiling tulad ko kundi pati na rin ang mismong itsura ng bakery.
kuha sa ikalawang palapag ng bakery |
Ang amor bakery ay matatagpuan sa Espana, Manila na malapit naman sa iba't ibang paaralan kaya karamihang mga estudyante ang pumupunta dito. Magandang lugar ito para kumain habang nag-aaral. Marami ang nagpupunta dito na dala ang kani kanilang mga gamit sa pag-aaral. Mayroong mga special service ang mga crew na nag aasikaso sa mga customer tulad na lamang ng maaaring paghingi ng lamp shade para sa mga madidilim na lugar at ang pag order ng direkta sa kanila upang hindi na bumaba muli. Mayroon lamang itong "pay as you order" policy.
May dalawang palapag ang bakery. Ang laman ng unang palapag ay ang mismong pag pipilian ng mga tinapay at cakes. Narito din ang cashier.
Sa pangalawang palapag naman ay ang mismong mga mesa at upuan.
Pag akyat sa ikalawang palapag ay mayroon din namang library o book shelf. Narito rin ang palikuran o CR
Isa sa mga nagustuhan ko sa amor ay ang kakaiba at cute na paraan ng pagbibigay nila ng number kapag naghihintay ng order. Sa halip na normal na number lamang ang ibigay sa customer ay teddy bear and ibibigay.
At syempre ipapakita ko naman ang ilan sa mga binili namin dito na swak sa aming panlasa.
Kaliwa sa itaas - toast na may bacon bits sa gitna, itlog, at mais
Kanan sa itaas - flat na parang hugis pizza na may cheese at may puting sibuyas
Kanan sa baba - may cheese, mais, at sausage
Kaliwa sa baba - garlic bread na may cheese
Cheese & pork floss |
Triple hot-choco |
Mayroong konting kamahalan ang mga pagkain dito dahil sa magandang presentasyon at kaibahan sa mga normal na bakery ngunit mairerekomenda ko naman ito sa mga mahihilig sa pastries. Hindi na ito masama para sa oa minsan minsan na pag gastos ng malaki. Kahit na mas mahal sa normal na tinapay ay masasabi pa rin namang affordable ito dahil ang mga ito ay nakakabusog hindi lamang dahil sa masarap ito ngunit pati na rin sa mata dahil sa magandang itsura.
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento