Huwebes, Marso 3, 2016

Tara sa El Nido,Palawan Pangako Hindi ka Uuwing Luhaan! by Kristin Monica Javier



               Ang Palawan ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Timog Katagalugan. Ang Lungsod ng palawan ay ang Puerto Princesa  at ang pinakamalaking lalawigan sang-ayon sa laki ng lupain. ang el nido ay isa sa mga bayan ng palawan.  at ito ay matatagpuan sa pinakahilagang dulo ng pulo ng Palawan.Ito ay isa sa mga piakamagandang bayan ng Palawan.  


               Mula Maynila kami ay sumakay sa eroplano papuntang Palawan ang byahe ay humigit kumulang isang oras.


     Syempre hindi namin pinalampas ang Puerto prinsesa Underground River (PPUR) noong kami ay pumunta sa Palawan.Pagkarating pa lamang namin sa kapital ng Palawan ang Puerto Prinsesa, kami ay agarang  sumakay sa isang van na aminginuahan para dalin kami sa  Sabang kung saan kami ay makakasakay ng bangka upang marating ang PPUR.



                                              Pagkatapos ng paglalakbay ito ang bumunagad saaamin.




               Upang makapunta sa mismong destinasyon naglakad kami ng ilang minuto sa isang maliit na kagubatan ginawan naman nila ito ng daanan ngunit dapat lang nating alalahanin na maraming unggoy ang nagkalat at kapag sila'y nakarinig ng tunog ng plastic maaari nilang hablutin ang inyong mga gamit. 




               Matapos ang ilang sandali amin nang nasilayan ang bukana ng PPUR ngunit kailangan pa naming maghintay ng ilang sandali dahil maraming turista ang nakapila upang makapasok sa sinabing kweba.




               Nang ito na ang aming pagkakataon upang makapunta sa PPUR kami mun ay nagsuot ng life vest at helmet para sa aming kaligtasan.Nang kami'y pumasok ako'y nakaramdam ng takot dahil napakadilim sa loob ng kweba pero nang aking masilayan ang mga nakakabighaning mga stalagmites tila nakalimutan ko ang takot na aking nadama habang kami ay nasa loob ang aming cave guide ay bumabanat pa ng mga jokes at kanya rin kaming binigyan ng karagdagang impormasyon sa cave,pinakita niya  sa  amin ang mukha ni hesus,at iba pa.Akoy natuwa noong nakita ko na ang liwanag palabas ng kweba.Pero hindi pa dito nagtatapos ang aming paglalakbay.Nakakalungkot man na hindi namin nakuhanan ng mga litrato ang mga stalagmites akin parin itong maaalala. Matapos ay bumalik na kami sa Sabang upang maglakbay muli ng limang oras upang marating ang El Nido.  



               Kinabukasan ay sinimulan na namin ang aming "Island Hopping".Kinailangan naming magising ng maaga upang masulit namin ang pagbisita sa bawat pulo at upang hindi rin kami gabihin dahil delikado.Kami muna ay kumain ng agahan na inihanda ng Casa Cecilia.



               Ang aming tour guide ay tinawag naming kuya "Tom Jones" kasama niya rin ang kanyang dalawang anak upang samahan kami sa aming paglalakbay.Una nila kaming dinala sa isang pulo na tinawag nila "7 Commando Beach".Ang kwento nila sa amin ay mayroon daw pitong nawalang mga sundalo at napadpad sila sa beach na ito at dito sila tumira sinabi din na makikta raw ang pangalan nila na nakasulat sa isang bato pero hindi nila alam kung nasaan ang bato.hindi na ako nagtataka kung bakit pinili nila ang beach na ito sa dinamidami ng pulo sa El Nido.

               Ang sumunod naming pinuntahan ay ang Shimizu Island kung saan dito kami nananghalian at sinubukang magsnorkeling.Walang masyadong impormasyon na naibahag si kuya tom jones saamin.




               Sumunod naman ang "Big Lagoon".Para saakin dito ako nagenjoy sa unang araw namin sa aming "Island Hopping".Naalala ko na ito pala ang lugar na laging nagpapakita sa Google kung hahanapin mo ang Palawan.Mayron pa kaming pinuntahan ang "secret lagoon" kung saan kakailanganin mong pumasok sa  maliit na pagitan ng mga bato upang makita ang lagoon nakakalungkot dahil hindi kami nakapagdala ng aming mga camera dahil baka mabasa lamang ang mga ito.Ang "Small lagoon" naman ay pinili na naming hindi puntahan dahil kami ay nageenjoy na dito sa big Lagoon at sinabi rin ni kuya Tom Jones na hindi rin naman kami makakalangoy dahil malalim raw doon. Dumating na ang oras ng aming pagbalik sa aming tinutuluyan upang makaagpahinga.

                Pagdating namin kami ay naligo muna at nagayos dahil kakain kami ng hapunan sa labas.Naglakad lakad kami at nakita namin ang isang Restawran sa tabing dagat na kung saan mamimili ka lamang sa mga sariwang isda at kanila na itong lulutuin.



               Ito na ang huling araw ng aming Island Hopping.ang una  naming pinuntahan ay ang Snake Island.Tinawag itong snake dahil sa sand bar na mukhang S na nagkokonekta sa pulo na tinatawag na vigan island at sa mismong pulo ng Palawan.Kinailangan pa naming umakyat sa bundok upang makita ng mabuti ang sandbar.Napatulala ako sa nakita kong ganda ng Snake Island.pagkatapos ay nilakad namin ang sand bar.Pinuntahan din namin ang Cathedral Cave ngunit hindi namin napasok ang loob kakailanagnin pa namin sumakay sa maliit na bangka upang makarating sa loob.Pumunta naman kami sa  Pangulasian Island  para mananghalian at magpahinga.



               At ang huli naman naming islang pinuntahan ay ang Pinagbyutan Island kung saan sinulit na naming lahat ng sandali dahil ito na ang huling pulo na aming pupuntahan.Kahit umitim ako ng todo at napagod sa tatlong araw ng paglalakbay sa El Nido,Palawan lahat ng iyon ay napalitan naman ng masasayang alaala na hinding hindi ko malilimutan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento