Huwebes, Marso 3, 2016

Eat with the Stars: Eatles by Charlotte Paez

Naglalakad ka sa kahabaan ng Padre Noval St, isang normal at kabagot bagot na hapon.  Normal na ingay, mga ingay ng rumaragasang sasakyan, sigaw ng tindera sa mga estudyante upang sakanila kumain ang mga ito,  masakit sa tenga’ng tunog ng construction. Pati na rin ang normal na amoy ng pinag halo halong usok, sigarilyo at  masansang na amoy ng dumi ng hayop sa gilid ng P. Noval na araw araw mo nang naaamoy.  Naglalakad ka na pauwi nang maaninag ng iyong mga mata ang isang kakaibang restawrant na may payphone booth bilang pinto na mas kilalang “The Eatles.” 


Ang Eatles ay isang British memorabilia restawrant at iba pang icon bilang pagalala ng isang masayang dekada, ang dekada sessanta. Ito ay isang restawrant na hango sa isang bandang nauso noong dekada ‘60s na mas kilala sa tawag na “The Beatles.”



Ang layunin nito ay ang makagawa ng isang kainang “bago” sa tingin ng nakararami dahil narin sa kakaiba nitong tema at kosepto. Layunin din nilang maibalik ang nausong banda na The Beatles. 

Pagpasok mo pa lamang ay talagang mapapahanga ka sa akngking ganda ng pagkakaayos ng lugar na ito. 


Ito rin ay may iba't- ibang palamuti sa dingding na may kaugnayan sa The Beatles. Saan ka man tumingin, makikita at mararamdaman mo talaga ang The Beatles. 







"Eat with the Stars" dahil para ka na ring kumakain sa isang restawrant kasama ang iyong mga iniidolo.

Ang mga ito ay mga halimbawa ng pader ng The Eatles. Mga larawan at mga bagay na kaugnay ng banda.


Ito rin ay may magandang musika na nakaka relax naman mas lalo kang gaganahang kumain. 



Ang Eatles ay mayroong American (New), Breakfast, British Burgers, Diners, Italian, Pizza and Sandwiches na inihahain,kaya kung gusto mong sumubok ng iba’t ibang putahe na ipinagmamalaki ng ibang ibang bansa sa isang kainan lamang,ito
ay possible mangyari sa Eatles. 
Narito ang mga sample menu na aking natikman sa aking pagbisita ng Eatles:

The Eatles Black Cheeseburger 
"Homemade beef patty, crispy bacon, fresh lettuce, tomato, onion & cheese, glazed with 'Eatles' with burger sauce in our signature sesame seed black bun served with fries."

Ang Eatles Black Cheeseburger ay isa sa mga best sellers ng Eatles. Ito ay dapat mong matikman dahil sa malasang pinagpatong patong na karne. Tama lamang ang pagkakaluto sa karne, hindi makunat o mahirap nguyain. Nakadagdag naman ang buns nito, dahil maliban sa kakaiba, ito rin ay tumutugma sa karne. Sinamahan din ito nang fries na tugma din sa mismong dish. 


Four Cheese Pasta
Penne pasta with ricotta , parma romano , mozzarella &cheddar cheese in cream and tomato sauce."

 Ang Four Cheese Pasta ay ang best seller nila sa pasta dahil na rin sa malasang cheese na mayroon ito. Ito ay tamang tama sa mga cheese lovers. Mayroon din itong garlic bread bilang side dish. 


Strawberry Cheesecake 

Ang Strawberry Cheesecake ang napili ko bilang dessert. Malasa ang strawberry na tumugma naman sa cheese nito. Masasabi ko na maganda ang combination nito dahil complimentary sa isa't isa amg dalawang pangunahing ingredient. 


Apppey Road
Onion rings, Nachos, Fries, Buffalo wings

Ito ay may balanseng lasa. Maanghang na buffalo wings, matapang na amoy ng onion rings, at maalat alat na fries at nachos. 


Ito ang larawan ng kabuuan ng aking nabili dahil na rin sa may kamahalan dito. Oo, may kamahalan ang mga pagkain dito, pero masasabi ko namang sulit ang binayad ko dito hidni lang dahil sa pagkain, kundi pati na rin sa maganda at nakaka relax na lugar na ito.




Ang Eatles ay matatagpuan sa P. Noval Street, Sampaloc, 1008 Manila, Philippines.

 Bukas ito mula alas 8 ng umaga hanggang 11 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes. Kaya sa susunod na maglalakad ka sa P. Noval, hanapin mo ang pulang phone booth at subukang balikan ang nagdaang magandang dekada. 





1 komento: