Huwebes, Marso 3, 2016

Glimpse of the Past by Andrea Dulcenia Lope

Naisip mo na ba na bumalik sa nakaraan at matikman ang pamumuhay noon? Hindi na kailangan ng time machine para matupad ang munting pangarap na maglakbay ng panahon, ang kailangan lamang ay libreng oras at sapat na pera.
Nabilang ako sa mga swerte na nakasama sa pagliliwaliw ng O.B. Montessori Center na komapanya na pinagtratrabauhan ng aking ina sa LAS CASAS FILIPINAS DE ACUZAR sa Bagac, Bataan. Ang Las Casas Filipinas de Acuzar ay 4-star na resort na may tema noong ika-18 siglo at panahon ng mga kastila. Iba't ibang klase ng arkitektura ng mga pamamahay ay muling itinayo. Mga kaakit-akit at marangal na mga mansyon na gawa sa matatag at kalidad na mga kahoy at bato nasamasama sa isang nayon na mayroong sahig na gawa sa cobblestone at senaryo ng mga marilag na mga bundok, at ilog na umaagos patungo ng dagat.
Sapagkat ang pagliliwaliw ay halos pangkalahatan ng O.B. Montessori Center, nirenta ng komapanya ang mga kabahayan sa Las Casas na nagsisilbing otel. Nananitili kami roon ng magdamag. Tumira kami sa Casa Byzantina.  
Casa Byzantina

Pagpasok ng Casa Byzantina
             
             Master's bedroom


Ang Casa Byzantina ay tatlong palapag na palasyo. Pagpasok mo palamang ay sasalubungin ka na ng magagarang antigo na mga sining tulad ng mosaic na kisame at pader. Talagang nakakahumaling at nagkakagalimgim ang istilo. Ang mga kwarto ay parang pang maharlika, tila parang hindi mo na gugustohin na lumabas pa.

Para lalo pa naming maidib-dib ang makaysaysayan na karanasan na ito nag damit kami ng tradisyonal na kasuotan noon - ang barong sa mga ginoo at filpiñana sa mga binibini. 



Ang aming unang araw ay itinakda namin para sa paglibot at pamamasyal sa kabuoan ng Las Casa Filipinas de Acuzar. Sinamahan kami ng magaling at masigla na mga tour guide na naipaliwanag ang mga kasaysayan at lihim ng mga bahay sa resort.


Nangkagabihan ay nagsalo-salo kami sa magarbong handaan na may kasamang panauhin ng mga folk dances, kundiman at mga makabuluhan na pangyayari sa Noli me tangere ni Dr. Jose Rizal.


Pagkatapos ng pagbalik panahon, ng aming pangalawang araw ay ginagularin namin ang iba pang pasilidad ng resort katulad ng swimming pool, pribadong beach na pwedeng magkayaking, magisda at mag-island-hopping , ang Salon de Juego kung saan maglaro ng bilyaran at iba't ibang board games.




Napakamaringal at parang larawan ang aming pinagdaanan sa Las Casa Filipinas de Acuzar. Nabighani ako sa mga aking nalaman tungkol sa ating mahiwaga at makulay na nakaraan. Ang paglakbay namin na ito ay hindi lang nakadulot ng pag-unwind at aliw, nakapagturo at nagpadama din ito ng importansya ng oras na napakalimitado - tulad nalamang sa mga bahay ng muling itinayo roon na dati ay naghari sa mga pook ng pinangkaligan na pinabayaan at binuhay lang muli. 


Kaya dapat ay mamuhay tayo ng lubos at kamitin ang oras ng mabuti. Kung kailangan ng mag-balik tanaw para pakapagpahinga sa araw-araw na buhay gawin ito.




1 komento:

  1. Betway Casino Review & Bonus Codes in New Zealand
    It comes 오락실 슬롯 머신 게임 in 온라인 포커 two categories: a great welcome bonus 일반인 후방 and a great casino 승인 전화 없는 토토 사이트 gaming experience. Betway offers over 300 games to play, which is 여수 휴게텔 why you should

    TumugonBurahin