Huwebes, Marso 3, 2016

INDULGE HONG KONG by Celine Padilla




Dahil “once in a blue moon” lang kami makapunta sa ibang bansa eh sinagad na namin ang paglalakbay namin bilang regalo nila saakin nung 16th kaarawan ko. Pumunta kami sa Hong Kong para sa isang linggong pagpasyal. Nakarating kami sa magagandang lugar duon katulad ng Disneyland, Ocean Park HK, Victoria Peak, Harbour City, at City Tour. Ito ang iba’t ibang larawang kinunan ko sa aming abentura..



Victoria Peak (unang araw)

Sumakay kami ng tren papunta sa pinakataas ng bundok para makita ang magandang tanawin ng HK mula sa itaas. Dahil sa sobrang tuwa ko sa nakita ko hindi ako nakakuha ng litrato. Pero nakunan ko ang treng sinakyan namin nung kami ay pababa sa susunod na stasyon namin.





Para sa susunod na hinto namin, nakapasok kami sa Madame Tassauds (wax museum) na matatagpuan sa peak tower ng HK island. Bukas ito ng 10:00am - 10:00pm tuwing lunes hanggang linggo. (ang mga litrato dito pinakunan ko sa kapatid ko).
Harbour City (pangalawang araw)

Pagkatapos namin sa Victoria Peak kami ay nakauwi na ng 10 ng gabi dahil malayo ang inikutan ng taxing sinakyan namin at syempre dahil narin nagenjoy kami. Ang sunod na pinuntahan namin ay ang Harbour City, dito ay wala kaming nakunang litrato dahil ito lamang ay isang shopping mall kung saan matatagpuan ang mga mamahaling tatak ng damit, sapatos, atbp. At dahilan narin ng aking pagcharge ng kamera, kaya ako ay kumuha na lang ng larawan sa internet para maipakita sainyo ang itsura ng Harbour City.


Disneyland (pangatlong araw)

Ito ang pinakapaburitong lugar na napuntahan ko. Pagpasok pa lang sa gate nagtatatalon na ako na parang bata dahil natupad ang isa sa bucket list ng buhay ko ang makapunta sa Disneyland. Halos lahat naman ata tayo gustong makapunta sa lugar na ito, ito ata ang “the Happiest Place on Earth” (tagline nila yan). Well totoo naman para sakin, yung pinapangarap mo na sana habang buhay ka na lung dun, yung tipong dun ka na titira at sana ganun na lang kaganda yung mundo (echos). Sa lugar na ito ang pinakamaraming larawan na nakunan ko. Ang Disneyland ay matatagpuan sa Lantau Island, Hong kong.


ENTRANCE

                                                                           NIGHT PARADE


                       TOY STORY LAND                                               MR. WALT DISNEY 

                                                      BAHAY NI TARZAN


OCEAN PARK (pang-apat na araw)

ocean.jpgAng Ocean park ay isa rin sa pinakamalaking theme park sa hong kong, kasunod ng Disneyland. Ang Ocean Park na ito wala sinabi sa Ocean Park natin dito sa pilipinas wala pa sa kalahati ng atin yung sakanila. Dito hindi lang basta animal theme park, may mga rides din dito pwede mong sakyan. 


Ito ang sinakyan namin papunta sa taas ng bundok kung saan anduon and ibang rides at animal show. Mabagal ang Cable car na ito para ma-enjoy mo ang tanawin.



   Magagandang Litrato ng hayop na nakunan ko sa Ocean Park. 
                               



Ang tawag sa ride na ito ay The Flash, isang ride na umiikot sa ere ng 360 degrees sa pamamagitan ng robot arm. Hindi siya nakakatuwang sakyan dahil pagbaba mo hilo-hilo ka na yung tipong susuka ka na. sa ride na ito mafefeel mo na 50-50 na lang ang buhay mo lalo na kapag takot ka sa matataas katulad ko na nagtapang tapangan lang.



City Tour (pang-limang araw)

Sa pang-limang araw naming ay naglibot kami sa siyudad ng hong-kong (di ko alam kung anong city yun) sa pamamagitan ng pagsakay sa isang malaking bangka at makikita mo duon ang kagandahan ng siyudad na iyun sa gabi.  



    Sa Pang-anim na araw namin ay nagikot na lang kami sa labas ng hotel na pinagtuluyan naming. Pumunta kami duon sa parang divisoria nila na medyo masmalinis kesa satin. At kinabukas rin ang panghuling araw namin ay umalis na kami. Ito ang kauna -unahang pagalis namin ng bansa para magbakasyon kaya hindi ko malilimutan ito. Kaya sa pagsakay naming ulit sa eroplano pabalik ng pilipinas kinunan ko muna ng litrato ang buong lugar. 










Walang komento:

Mag-post ng isang Komento