A Weekend Of Everything That Flies: 20th Philippine Hot Air Balloon Fiesta
Noong ika-13 ng Pebrero, ako at ang pamilya ko ay nagtungo sa Clark, Pampanga upang masilayan ang 20th Philippine Hot Air Balloon Fiesta.
Nagsimula ipagdiriwang ang Philippine International Hot Air Balloon fiesta noong 1994, tatlong taon matapos sumabog ang Bulkang Pinatubo. Isinulong ito ng mga lider sa turismo ng Pilipinas at ng iba't ibang bansa upang maingat ang turismo sa gitnang luzon, na siyang lubhang naapektuhan ng pagsabog ng nasabing bulkan.
Apat na araw ang selebrasyon nito pero sa ikatlong araw namin naisipan pumunta dahil iyon ay Sabado, Sakto na hindi kami abala sa kung ano mang mga gawain.
Ang tiket ay nagkakahalagang P350. Sulit na sulit ito dahil umaga hanggang gabi naman ang nasabing selebrasyon.
Maaga kaming umalis ng bahay upang maaga ring makarating sa Clark, pero siyempre hindi parin kami nakaiwas sa traffic. Kami ay dumaan ng North Luzon Express Way. Ang biyahe ay dapat isa at kalahating oras lamang, pero ang biyahe namin ay umabot ng dalawang oras dahil nga sa traffic.
Sa sobrang haba ng biyahe at haba ng traffic, sumobra sa himbing ang tulog ko |
Nang makarating na kami sa Clark, naabutan naming hinahanginan na ang mga hot air balloons. Iba't iba ang mga disenyo at kulay nito.
May hot air balloon na simple lang ang kulay |
Mayroong hot air balloon na watawat ng France ang disenyo
Mayroon pang hot air balloon na mukha ng tao ang disenyo (masyado na siyang mataas kaya hindi na mukhang mukha)
At kung ano ano pang ibang disenyo
Hindi lang pagpapalipad ng mga hot air balloons ang atraksyon sa selebrasyong iyon. Mayroon ding ilang pang militar na sasakyan at mga kagamitan na idinisplay noong araw ng selebrasyon na pwedeng pagkuhaan ng litrato at sakyan gaya ng:
Pang militar na mga helicopter,
Tangke,
Kakaibang eroplano,
Mga baril at sasakyan ng mga militar,
At mga pinahanginan na prutas.
Mayroon ding mini zoo noong araw ng selebrasyon na iyon
May camel na pwede mong sakyan |
Napakaganda ng mga ibon doon! |
Mayroon ding maliit na kabayo |
May mga tindahan doon na nagbebenta ng mga maliliit na hot air balloon. Perpektong souvenir para sa mga minsan lang makadalo sa mga kagayang selebrasyon!
Habang kami ay naglalakad ng aking pinsan sa tapat ng mga pinahanginang prutas, biglang may sumigaw saamin ng "kuya! tabi!" Dali dali naman kaming tumabi ng aking pinsan dahil hindi namin alam kung anong meron at kung anong nangyayari. Ayun pala ay may nag propose na boyfriend sa kanyang kasintahan nang walang hiya hiya. Umani ng palakpakan ang magkasintahan nang sumagot ng "yes!" ang babae. Lahat ng nakakita (pati na rin ako) ay kinilig sa nangyari.
Masarap pumunta ulit sa ganitong klase ng selebrasyon. Kahit na sobrang init at ubod ng dami ng tao, nag-enjoy parin ako at ang aking pamilya at umalis kami ng Clark nang madaming alaalang baon at ngiti sa aming mga mukha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento