Huwebes, Marso 3, 2016

Pinto Art Museum: Ang Paraiso sa likod ng pinto (sandy ramos)

Pinto Art museum

Ano ba ang magagawa mo 150 pesos? Bumili ng bagong damit? Bumili ng overloaded or fully loaded meal sa paborito mong fast food chain? Kung naiisip mo na maliit lang ang halaga na ito para gastusin para mag karoon ng isang karanasan na hindi mo makakalimutan, pwes, nag kakamali ka. Dahil hindi mo kailangan ng malaking halaga para maging masaya. Sa halagang 150, makakapasok ka na sa lugar na gugustuhin mo ng tumira sa ganda nito.
Isang sabado noong buwan ng Nobyembre, niyaya ako ni Jam Gonzales na aking kaklase sa isang “Adventure”. Nasabi ko sa kanya na hindi pa ako nakakapag ipon at bawal ako pumunta sa malayo. Laking tuwa ko noong pag ka-sabi nya na hindi naman aabot sa 500 ang magiging gastos namin at hindi ito malayo na mahirap puntahan. Ngunit habang papunta na kami dito, nag aalangan padin ako tumuloy dahil nabanggit niya na sa isang museyo kami pupunta. Hindi naman kasi ako mahilig pumunta sa mga museyo at di ako masyado natutuwa sa mga ito.
Pag kababa namin ng tricycle sa tapat ng entrance ng Pinto Art Museum, lalo akong nadismaya sa aking nakita.
Inaakala ko kasing engrande and entrance nito dahil nga “Museum”. Pero isang maliit na pintuan lamang ang nag hihintay sa amin para pasukan. Hindi pala lahat ng museyo kailangan malaki ang entrance dahil mas mahalaga ang mga nasa loob nito. Dahil pag pasok namin ako ay napa hanga sa ganda ng istraktura ng mga “Galleries” nila.





 Bago namin simulan ang pag libot sa museyo, pumunta muna kami sa counter. Oo may counter and museyo na ito at dito ka mag reregister, pagkatapos ay bibigyan ka nila ng mapa ng buong Pinto Art Museum. At dahil may naipakita kaming school ID ay nakamura pa kami.




 Sobrang nakaka excite dahil para kaming nasa amazing race na may mga lugar kaming pupuntahan at madidiskubre na kung ano anong bagay. Mabait ang mga tour guides, palangiti at pala bati kaya hindi sila nakakatakot lapitan kung ikaw man ay mawawala. Minsan ay nag bibigay pa sila ng mga “Facts” tungkol sa mga arts doon. At akala ko ay puro sa ibaba lamang ang mga galleries nila, pero tinuro ng isang tour guide doon na mayroon pang gallery sa itaas.




 Hagdanan dito, Hagdanan doon. Nakakapagod man umakyat sobrang sulit naman noong nakita na namin ni Jam ang itaas. Madaming klase ng puno at halaman and makikita mo mula sa itaas. Makikita mo din ang ibang galleries na nasa ibaba. Fresh ang hangin at maaliwalas ang kapaligiran.
At kapag napagod ka man sa inyong pag lalakad at pag akyat, may mga upuan sila sa kahit saang banda ng galleries. Hindi ito ordinaryong mga upuan dahil iba’t ibang klase ng upuan ang makikita mo. Yung ibang upuan ay di mo aakalain na kasama ito sa mga ginawa ng mga magagaling na resident artists doon. 










 At kapag naman nagutom ka, may dalawang café’ ang Pinto Art sa loob. Nasa mapa naman ito kaya hindi ka mahihirapan hanapin. May kamurahan din naman ang mga pag kain nila dito at sulit naman dahil ito’s masarap. Mahahalata mo ding edukado at may sapat na kaalaman sa pag hawak ng restowran ang mga tao doon dahil sila ay maayos mag trabaho at kahit ang kanilang manager ay tumutulong sa pag serve sa mga customers.




  
Bukod sa ganda ng tanawin at mga gusali, ano-ano pa nga ba ang nakita naming sa loob? Iba’t-ibang sculptures at paintings ang aming nakita. May mga pamilyar sa aming mata at may mga arts doon na di talaga naming napigilan kuhaan ng litrato.





 Katulad na lamang ng mga ito. Ito daw ay mga iba’t-ibang klase ng mga taong nag hihintay. May mga nag hihintay ng kalayaan, pag-ibig, tamang oras at kung ano ano pa. Napag tanto ko na kung ano man ang iyong hinihintay dumating o mangyari, kapag nagawa mo na ang dapat mong gawin at nag tiwala ka sa may kapal, ito’s darating sa tamang oras. Namangha ako sa pag kakagawa nito dahil alam kong mahirapa talaga umukit at gumawa ng ganitong “Masterpiece”.
          Makikita sa larawan na open air ang museyo. Nasa Antipolo naman ito kaya hindi mo mapapansin ang init ng araw dahil mahangin naman at maaaliw ang iyong mga mata at isip sa iyong makikita.







 Ang painting ng “We are the kids that your parents warned you about” at ang pinaka malaking mural painting ang pinaka tumatak sa akin. Hindi ako sigurado sa aking dahilan, ngunit siguro masyadong lantad ang mensahe ng mga arts na ito. Tulad ng sa mural painting. Ipinapakita doon ang iba’t-ibang uri ng tao sa lipunan. At doon naman sa “We are the kids that your parents warned you about”, naisip ko na may mabigat na pinagdaanan yung gumawa noon kaya niya ito nagawa at kahit isang pangungusap lang ito, mararamdaman mo yung emosyon ng pintor habang ginagawa niya ito kapag ito’y tinitigan mo.
                                   
                                    Madami pang mga paintings doon na mapapaisip ka talaga ng husto at baka makapag pabago pa ng iyong “point of view” sa buhay. Iba’t-ibang kweto ng saya at lungkot sa likod ng mga ito. Mga kadahilanan ng mga pintor at iskulptor ay mararamdaman mo sa oras na tinitigan at binasa mo ang mga nakasulat na “facts” sa gilid ng arts.
                                    Hindi man ako mahilig sa mga museyo noon, nung nakapunta ako sa Pinto Art Museum ay naisip kong hindi ko dapat minaliit ang museum na ito o iba pang museums. May mga bagay sa likod ng pintuang iyon na maaaring makapag pabago ng buhay mo. Nakahanap ako ng inspirasyon upang ipag patuloy ko ang aking hilig sa pag guguhit at pag gawa ng mga tula. Natutunan ko din intindihin ang mga bagay bagay sa aking paligid at mas alagaan ang kalikasan. Mas tatangkilikin ko na ang mga Filipino artists. At minsan, sa buhay kailangan mo din ng oras para maging tahimik at mag obserba lang sa paligid.





Paano pumunta?
                                    Mula sa Araneta-Cubao (MRT). Sumakay ka ng FX na may signboard na “Antipolo”, at sabihin sa driver na ibaba ka sa kanto ng “Ynares”. 40 mins. Ride lang ito. Pag baba mo sa Ynares, sumakay ka ng tricycle papuntang “Grand Heights”. Ipaalam mo sa tricycle driver na pupunta ka ng Pinto Art Museum at dadalhin ka na niya doon. 5-7 mins lang mula Ynares and Museum. (1 Sierra Madre Street, Grand Heights,
Antipolo City, Philippines)
Mga Gastos:
MRT (Taft/Edsa Station to Cubao/Araneta Station) - 14 pesos
FX ride (Araneta Center to "kanto" of Ynares) - 50 pesos
Tricycle ride ("kanto" of Ynares to Pinto Art Museum) - 40 pesos (not per pax but per ride)
Entrance Fee (Adult) - 150 pesos  [Senior Citizen – 120 pesos | Student – 75 pesos]

Museum Hours
Tuesdays - Sundays | 9:00 a.m. to 6:00 p.m.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento