Ang Minalungao National Park ay matatagpuan sa General Tinio,
Nueva Ecija sa gitnang Luzon. Ito ay tagong lugar na matatagpuan sa ibabang
bundok ng Sierra Madre kung saan ang malaberdeng tubig na umaagos ay nanggaling
pa sa bundok at hindi lang iyon may mga nakapalibot pa na limestone sa katubigan.
Ang lugar na ito ay isa na lang sa mga natitirang “Natural
Environment” sa rehiyon na ito. Kabilang ito sa mga tinatawag na eco-tourism na
destinasyon kung saan mararanasan ang makahugot hiningang tanawin, kumikislap
na berdeng tubig at mga nakakahangang stone formation. Dito din ay matatagpuan
ang mga di pa nadidiskobreng mga kweba sa ilalaim ng lupa. Dito ay maari kang
maligo, mag cliff diving, umakyat sa bundok, magpicnic kasama ang mga mahal sa
buhay at marami pang iba.
Paano nga ba pumunta sa Minalungao National Park?
Kung galing ng Maynila kailangan mo lang pumunta sa mga bus terminal sa Pasay, Second Avenue o sa Cubao. Sumakay ka lang sa bus na ang nakalagay ay Papaya kung saan magbabayad ka ng 180 pesos kung hindi student at 140 pesos naman kung ika`y estyudante o seῆor. Ang byahe pa-Papaya ay aabutin ng apat na oras depende sa traffic. Pagkadating sa Municipal ng Papaya ay ikaw ay sasakay ng tricycle papuntang Minalungao National Park na nagkakahalaga ng 100 pesos kahit ilan kayo.
Pero para sa akin mas maganda kung magdala ng bisikleta para maranasan ang
pagba biking sa mga bundok.
Habang nagbibisikleta ay malalasap ang sariwang hangin ng
probinsya. Dalawa ang maari mong daan papunta sa naturang Park. Una ay ang
nakasiyementong daan pangalawa ay ang matatarik at medyo maalikabok na daan
para sa mga gusto talaga ng adventure.
Kung ako ang tatanungin mas magandang dumaan sa mataatrik na daan
kung ikaw ay may dalang bsikleta para maransan ang tunay na pag ba biking sa
bundok pero kung ikaw ay nakasasakyan at hindi naman 4x4 ay mas mainam na
dumaan na lang sa syementong daan.
Ang minalungao national park ay may entrance fee na 30 pesos
lang para sa mga matatanda at wala naming bayad para sa mga 7 pababa na bata.
Kung may dala kang saasakyan ay magbabayad ka ng 50 pesos para sa Parking di ba
ang mura lang? Sinasabing ang bayad na ito ay nakakatulong sa pagpapanatili ng
ganda ng lugar. Ang bayad din na ito ay naaprubahan ng mga lokal na gobyerno.
Ang kahanga-hanga dito ay talagang parang nakapunta ka na sa Palawan at
makakita ng mga kakaibang rockformations at ang katubigang maaring ka pang
maligo o kaya gamitin ang mga rock formation bilang tungtungan at mag cliff
diving. Hindi dapat magaala subalit ang kababagsakan ay malalim, na sa sobrang
lalim ay baka lumagpas ng dalawang tao. Natural na malamig ang tubig at kapag
gabi ay kusang nawawalan ng lamig ang tubig. Ang tubig din na ito ay malinis at
halos nakikita mo na ang mga bato sa kalinawan ng tubig.
Gusto mo ba ng mas adventure sa grotto ng
Baguio ang 100 steps? Kung ganoon ay mayroon ang Minalungao National Park niyan.
Ipinagmamalaki nila ang 1000 steps na
siguradong mapapasubo ka kapag ikay sumubok dahil nakaksigurado kong
nakakapagod kaya’t magdala ng tubig o kaya naman ay magsapatos para hindi
masaktan ang paa dahil ang dadanan ay hindi kakinisang hagdan. Habang nasa daan
ay matatagpuan ang mga cremate na katawan ng mga yuamong naging malaki ang
parte sa pag tatayo ng Minalungao National Park. Magiging sulit naman ang pag
akyat sa 1000 steps dahil sa ituktok ay matatgpuan ang banal na Krus ni Jesus
kung saan ay dinadayo din. Kasing taas ang krus ng poste ng Meralco na gawa sa
mga salamin. Sa tuktok di ay makikita mo din ang bundok ng Sierra Madre at
halos matatanaw ang malalayong mga bayan.
Kweba ba ang hanap? Ang park ay may mga kwebang hindi pa nadidiskubre sa
ilalim ng mga stone formation pero sa ngayon ay dalawa ang nakabukas para sa
public. Kapag ika’y nagpunta sa kweba ay dadaan ka sa mga matatarik na bato
kung saan ay kailangan mong magsapatos para hindi dumulas ang iyong mga paa.
Dito ay parang nakasubok ka nang umakyat sa matarik na bundok. Pagkadating sa
kweba ay may ilang pinagbabawal, ito ay ang pagkakalat o pagiiwan ng kahi anong
dumi sa loob ng kweba at syempe ang pangunguha ng mga limestone sa loob. Maari
kang kumuha ng pictures pero ingat ingat din dahil sa pagpasok sa loob ng kweba
ay maghihirap kang akyatan ang mga bato o kaya’y tumalon ng kaonti. Sa loob ay
kakailanganin mo ng flashlight kahit ang ilaw sa selpown ay pupede. Pag-nakapasok
na sa loob ng kweba ay mayroon kang makikitang mga limestone na nakadikitsa mga
gilid na pinagbabawal kunin.
Mga aktibidad sa loob ng National Park
Habang nag lili-aliw sa park ay maari kang maligo sa malinis na tubig,
magcliff diving o kaya naman ay magfishing at iihaw sa mga gilid ng kubo. Maari
mong subukan ang kanilang Zip Line na mahaba at nakakaenjoy lalo na kapag may
kasama. Ang kanilang zip line ay nagkakahalaga lamang ng 100 pesos kada tao
balikan na iyon. Ang zip line ay tumatawid sa katubigan. Maaring pagdalawahan
ang pag zizipline pero maari ring pang isahan kung walang kasama. Pero kung ako
tatanungin ay mas maganda kung ika’y may kasama sapagkat mas mabilis ang iyong
pag zizipline mas masarap dahil nakukuha mo at nalalanghap ang sariwang hangin.
Ang pagzizipline ay pasuperman ang iyong posisiyon at sinisigurado nilang
laging ligtas ang pag zi-zipline.
Mayroon din silang tinatawag na hanging bridge na gawa sa bakal. Sa una ay magangatog ang tuhod mo sa takot pero masaya siya kapag nasanay ka na. Ang hanging bridge ay ay may kataasan at sinisigurado kong ito’y ligtas sa mga taong bumibisita dito.
Ang pagkuha ng cottage sa gitna ng tubig ay isa rin sa dinadayo rito.
Sapagkat maari kang kumuha ng balsa kung tawagin at maari itong hiramin kasama
ang isang lokal na residente na mag asist kung saan mo gustong pumunta. Sa
balsa ay maari ka na rin kumain habang iniikot ka ng tour guide.
Mga Pagkain hmmm.
Ang pagkain sa minalungao ay hindi kailanman magiging problema dahil sa
gilid ng park ay makikita ang mga nakahelerang tindahan kung saan ay maari kang
bumili ng mga papakin katulad ng chichirya, cornic at marami pang iba. Doon din
ay maari kang makabili ng mga inumin. Kung gusto naman ay mga inihaw, maaring
ikaw mismo ang manghuli ng gustong ihawin. Sa park ay may nakadestinong lugar
para sa pangunguha ng mga isda lalo na ang kanilang espesyalti ang Hito. Dito
ay maari mong ihawin ang mga nahuli sa pamamagitan ng ibibigay nilang uling at
Walah! mayrron ka ng masasarap na pagkain. Ang pag kain sa park ay
napakatradisyunal dahil hindi ka maaring gumamit ng kahit anong plato o
kubyertos dahil tanging dahon ng saging at iyong mga kamay ang maaring mong
gamitin.
Ang park ay hindi nagaalok ng akomodasyon dahil na rin siguro sa kanilang
ini ingatan na lugar kung kayat hindi basta basta ang pagpapagawa ng kahit
anong establishimento dito. Ang pinakamagandang punta dito ay aalis ng madaling
araw at uuwi ng hating gabi. Kahit sa maikling oras ay maari mo ng maienjoy ang
bakasyon. Kung gusto namang tumagal ay mayroong mga inn sa Papaya kung saan una
kang bumaba, na natitiyak kong kong pasok sa bulsa.
Ang gabi sa park ay isa rin sa pinakamasayang parte ng pagpunta dito dahil
nagbubukasan ang mga nag-gagandahang ilaw sa paligid. At para sabihin lang ay
ang Minalungao ay walang kahit anong ginagamit na kuryete dahil sila ay Solar
power lang kumukuha ng kuryente dahil nga sa ang Minalungao ay nasa gitnang
bundok at hindi na nakaabot ang pag susuplay ng kuryente.
Ang pagpunta sa isang destinasyon ay marami kang kailangang alalahanin budget,
oras mo, o kasama mo. Pero ang pinakamasayang parte ng iyong paglalakbay ay
iyong may kasama ka at sabay ninyong mararanasan ang ganda ng isang lugar
lalong lalo na sa isang Minalungao National Park.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento