Huwebes, Marso 3, 2016

DOG ZONED By: Aleli Aubrey R. Gregorio



NARANASAN MO NA BA MA-FRIEND ZONED? EH MA-DOG ZONED?


Tunghayan at damhin ang kakaibang lambing na hatid ng mga tinaguriang “Man’s Bestfriend”!



Tampok ngayon ang sikat na Dog Café na naglalayong makapaghatid ng relaksasyon sa mga bisita. Matatagpuan ito sa  91 Rosa Alvero Street, J&R Concon Centre, Loyola Heights, Quezon City kung saan nagkaroon ng bagong gimik ang pagrerelaks at pag-inom ng kape. Ito ay ang Barkin’ Blends Dog Café na patok na patok ngayon sa masa, bata man o matanda!

 Nagpunta ako dito kasama ang isang kaibigan. Magmula sa UST, kami ay nagtricycle papuntang LRT 2 Legarda station. Bumaba kami sa Katipunan station at tumawid sa isang footbridge para marating ang 7 eleven kung saan naroon ang paradahan ng mga namamasadang tricyle. Sabihin mo lang sa driver na sa Barkin' Blends ay alam na nila kung saan iyon. 




Mayroong dalawang bahagi ang cafe.
http://angelyeo.com/wp-content/uploads/DSCF0581-1024x683.jpg





Una, ito ang HUMANS ONLY ZONE
Ito ang bahagi ng café kung saan bumibili ng ticket para sa dog zone at kung saan pwedeng kumain ng mga nasa menu.




Pangalawa, ito ang DOG ZONE
Ang dog zone ang kabilang bahagi kung saan nakikihalubilo ang mga bisita sa higit dalawang dosenang iba’t-ibang uri ng aso. Sobrang excited ako na pumasok sa loob dahil sa labas palang ay kita mo na ang mga tao na nakikipaglaro sa mga aso. Kung tatanungin nyo ako kung amoy aso ba, syempre ay oo ang sagot. Pero hindi dahil amoy aso ay mabaho na. Sa katunayan, hindi mo na ito mapapansin sa sobrang pagkahalina mo sakanila. Malinis at magaling mag maintain ang mga tagapangalaga ng cafe na ito. Mop dito, mop doon. Kapag may umihing aso, hindi na ito namamalayan ng mga tao dahil talagang nililinis ito agad at nag-iispray pa ng air freshener.


THE MENU



Entrance: Php 190
(for 2 hours)
Mayroong entrance fee ang cafe na nagkakahalagang Php 190, pero kung gusto mo ng drinks na maiinom sa loob ng dogzone ay mag dadagdag ka na lamang ng 10-25 para sa coffee or tea at 55 naman para sa frappe. 



Andrei’s Alfredo ang pasta na inorder ko doon. Talaga namang napakasarap noon at lasang lasa ang pagkacreamy. Hindi nyo  ito dapat palampasin!





Sa dining area/Humans Only Zone ay may nakasabit na frame ng litrato ng mga asong nasa loob ng dog zone at ang pangalan ng mga ito. Mabuting maging pamilyar sa kanilang pangalan para mas ma-enjoy ninyo nag karanasan sa loob ng nasabing lugar. Matutuwa kayo pag nakita ninyo sila ng aktwal at alam ninyo ang kanilang pangalan. Mapapasabi kayo ng "Ay ito si (pangalan ng aso)!"




Ang LOCKER na ito ay magsisilbing compartment ng mga gamit at sapatos ng mga papasok sa Dog zone.Wag mag-alala dahil mayroong ipinapagamit na tsinelas dito. At isa pa, secured ang lockers dahil maayos ang kandado at ang susi ay nsa tagapamahala.






Ang mga patakarang ito ay kapwa para sa seguridad ng mga bisita at mga aso, kaya naman huwag kalimutang disiplinahin ang sarili! J



Pag pasok mo ng Dog Zone….









...ang buong atensyon mo ay mababaling lang sa mga aso.Sa sobrang mangha, parang gusto mong lahat sila ay mayakap mo. Mayroong malalambing, mayroong masusungit, mayroong mga antukin, mayroon ding beastmode, warfreak, at kung anu-ano pa! Merong sobrang amo na halos halikan at dilaan na ang buong mukha mo at ayaw nang umalis sa kandungan mo. 
 Silang lahat ay mga magagaling sumunod at matatalinong aso.





Sa loob ng Dog Zone ay iseserve ang iyong inumin habang nakikipagbonding sa mga aso.




Ang disenyo sa loob ay ang mga cute na artwork na ito.





Nang dumating na ang oras kung kailan kailangan na naming umalis, nalungkot ako ng bigla dahil pakiramdam ko ay napamahal na agad ako sa kanila. Sa sobrang pagka-enjoy ko ay ayaw ko na umalis at gusto ko na silang iuwi. Sulit ang pamasahe at effort ninyong pumunta dito. Sigurado akong gugustuhin nyo ulit bumalik dahil mamimiss niyo ang kanilang mga yakap at halik!J

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento