Huwebes, Marso 3, 2016

"Bulaklak ng PANAGBENGA nagbubunga ng SAYA" by Shimea Villanueva

Pebrero 28, 2016 ng sabado nang umalis kami ng pamilya ko sa laguna patungong baguio city na tinaguriang “Summer capital of the Philippines” upang magbakasyon at masaksihan ang panagbenga festival.

Panagbenga. Ano nga ba ang unang pumapasok sa inyong isipan kapag narinig mo ang salitang ito? Mga bulaklak, parada, baguio, street dance, fiesta at kung anu-ano pa di ba?
Pero ano nga ba ang Panagbenga?

Ang Panagbenga ay salitang ilokano na ang ibig sabihin ay "to blossom" at sa tagalog naman ay may kahulugang "sa panahon ng pagyabong o pamumulaklak." Ang Panagbenga festival ay pinagdiriwang taon taon sa buong buwan ng pebrero upang maipagmalaki ang kasaganahan ng mga bulaklak sa baguio at ang mayamang kultura nito.


PANAGBENGA 2016 - "Bless the Children with Flowers" 



 DAY 1  - Pebrero 28, 2016 / Sabado 

Pagkatapos ng 8 oras na pagbabiyahe ay sa wakas narating na namin ang malamig na lungsod ng baguio.

- Isang maladambuhalang Lionhead ang sumalubong sa amin pagkarating sa baguio. 


- Sa tabi nito ay mga tindahan ng souvenirs at pagkain katulad na lang ng "strawberry taho" na sa baguio mo lang matitikman. 

Acommodation - Bahay ni Bian (Transient Home) sa halagang P3000 kada araw. May dalawang kwarto na naglalaman ng dalawang double deck (8 beds overall), mabilis na connection ng wifi, TV with cable, kusina, refrigerator, 2 shower room, tig-isang cr para sa lalaki at babae at iba pa.





Nagtungo rin kami sa palengke ng baguio upang mamili ng nga lulutuin para sa hapunan. 


Pagkatapos kumain ay pumunta kami ng Burnham park upang sulitin ang oras namin sa baguio at mamasyal. Sumakay kami ng Swan boat na Good for 7 persons sa halagang P200/30 mins. 




 Habang namamasyal ay nakita ko ang mga taong nagdadagsaan sa may burnham park dahil sa mga booth at mga bilihin.






Pagpatak ng 12am (feb 28, 2016) ay kumain kami sa isang restaurant para icelebrate ang birthday ni daddy. 



DAY 2 – Pebrero 29, 2016 (The Grand float Parade)


Pumunta kami sa Session Road kung saan maraming taong nagsisiksiksan upang masaksihan ang parada ng mga float na nilagyan ng sari-saring bulaklak at street dance ngunit hindi namin gaanong makita ang parada dahil sa dami ng taong nakaharang.

Kaya salamat sa VIP pass na ito at tumungo kami sa Baguio Athletic Bowl kung saan ginanap ang performance ng mga nagstreet dance at ang float parade. Hindi na namin kinailangan pang makipagsiksikan pa sa mga tao para makakuha ng magandang view. 


Iba’t-ibang nagagandahang at makukulay na float ang aming nakita, napanood ko rin ang nakakaaliw na street dance at nakakita ng mga artista.

Ito’y ilan lang sa aking mga kuha noong Panagbenga festival.



Kinagabihan ay nagtungo kami sa SM Baguio city upang mamasyal at mamili ng kung anu-ano. Mula sa taas ng SM ay matatanaw mo ang napakagandang view ng mga ilaw sa baguio city, sabayan pa ito nang napakalamig na hangin na siguradong giginawin ka kahit may suot ka ng jacket.




DAY 3 - Pebrero 29, 2016


Oras na para umalis ng baguio. Mamimiss ko ang lugar na ito lalong lalo na ang malamig na klima, mga pagkain at magagandang tanawin.





Pero syempre ay hindi ako maaaring umalis dito nang walang dalang pasalubong at mga souvenirs kaya naman tumungo kami sa palengke upang mamili. 



Namalengke rin ang nanay ko di to dahil mas mura ang mga gulay na itinitinda rito kaysa sa maynila. Sabi nila na dito daw sa benguet nangagaling ang mga gulay na idinadala sa ibang lugar.




Dumaan rin kami sa simbahan.




Bago kami umalis ay kumain muna kami sa Good Taste Restaurant na may 5 palapag. Ako ay namangha kung paano nila namamanage ang malaking restaurant na ito kahit maraming customers, nakakamangha rin kung paano nila dinadala sa baba ang pagkain mula sa kusina ng 2nd floor dahil gumagamit sila ng "pulley." Nakakamangha talaga dahil madalas pa nga daw ay hanggang labas ng restaurant ang pila dito. Ayon sa waitress na napagtanungan ko, ang 1st and 2nd floor daw ang kainan, 3rd floor ay ang function room, 4th floor ay ang kanilang bodega at 5th floor para sa mga empleyado nilang stay-in. Masarap at abot-kaya naman ang presyo ng mga pagkain, sulit na sulit ang aming binayad dahil kami ay nabusog at nasarapan sa aming mga kinain. 




 Sa loob ng 3 araw ay kitang kita naman kung gaano kasaya at kung paano ko sinulit ang pananatili ko sa Baguio di ba? Isa lang ang natitiyak ko.. Hindi ito ang una at huling beses na pupunta ako sa baguio. Paalam Baguio City, hanggang sa muli. Salamat!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento