Ang Tawag ng Tangalan!
ni Nadine Suzanne Tampos
Marahil ang unang naiisip ng tao kapag narinig ang salitang
Aklan ay Boracay pero para sa akin Tangalan ang una kong naiisip.
Saan nga ba ang Tangalan, Aklan? Ano nga bang meron doon?
Lagi kong naiisip ang Tangalan, una dahil
ito ay kung saan ipinanganak ang aking ama. Doon na siya lumaki at hanggang
ngayon ay nandoon pa din ang kanilang bahay. Ang Tangalan ay isa sa mga munisipalidad na matatagpuan sa lalawigan ng Aklan. Ang Tangalan ay mayroong labing-limang baranggay.
Ito ay ang Afga, Baybay, Dapdap, Dumatad, Jawili, Lanipga, Napatag, Panayakan, Poblacion,
Pudiot, Tagas, Tamalagon, Tamokoe, Tondog, at Vivo.
source:
Paano nga ba pumunta sa Tangalan, Aklan? Tatlong beses na akong nakapunta ng Tangalan at base sa aking karanasan ay may iba't ibang paraan kung paano makakarating doon. Una ay ang pag gamit ng eroplano. Kung eroplano ang iyong sasakyan, ang iyong biyahe ay aabutin ng 45 minuto hanggang isang oras. Ito ay mula Manila(NAIA) hanggang Caticlan airport. At mula Caticlan ay sasakay ng bus/UV papuntang Tangalan at ito ay aabutin ng 1 oras. Pangalawang paraan ay mag bus patungong Batangas Pier tapos ay sumakay ng barko papuntang Caticlan. Ang biyahe sa bus mula Manila hanggang Batangas ay nasa tatlong oras samantala ang barko mula Batangas Pier hanggang Caticlan ay 10 oras. Pagdating sa Caticlan ay maaaring sumakay ng bus/UV patungong Tangalan at ito ay aabutin ng 1 oras.
Sa loob ng barko
Sa labas ng barko
Sa eroplano mula Manila papuntang Caticlan
Magkano ang pamasahe para makarating sa Tangalan, Aklan?
Eto ang aming mga nagastos sa pamasahe nung kami ay nagpunta sa Tangalan, Aklan.
Unang paraan: Eroplano - 4,300 (round trip)
UV / bus - 70 pesos / head
tiket ng eroplano
Pangalawang paraan: Bus papuntang Batangas pier - 154 pesos / head
Barko (2Go travel) - 24,200 (tourist round trip)
UV / bus - 70 pesos / head
tiket ng barko
sa loob ng UV mula Caticlan papuntang Tangalan
Ano nga bang meron sa Tangalan, Aklan?
Sa tuwig pupunta ako sa Tangalan, dalawang baranggay ang aking laging pinupuntahan. Una ang ang Poblacion, Tangalan, Aklan. Ito ang barangay kung saan nakatira ang aming mga kamag anak. Doon makikita ang bahay na kung saan lumaki ang aking ama. Ang ikalawang pinupuntahan ko ay ang Jawili, Tangalan, Aklan. Mula sa bahay namin sa Poblacion nasa 10-15 minuto ang biyahe papuntang Jawili.
Bukod sa nasa Poblacion, Tangalan, Aklan ang bahay na kinalakihan ng aking ama, ay nandoon din ang magandang ilog na masarap liguan. Ito ay pwedeng lakarin mula sa aming bahay. Malamig ang tubig at may mga taong naglalaba din doon. Maganda din ang simbahan na makikita doon, Ang St. John Nepomucene Church. Ito ang tinaguriang pinakamatandang simbahan sa Aklan. Ito ay 113 taon na nakatayo sa Tangalan, Aklan.
St. John Nepomucene Church ng Poblacion, Tangalan, Aklan
Sa kubo sa labas ng aming bahay sa Poblacion, Tangalan Aklan
Ilog sa likod ng aming bahay
Sa Jawili naman ay matatagpuan ang napakagandang Jawili falls. Napakalamig ng tubig nito. Ito ay tanyag dahil ito may ay pitong basins. Ito ay may taas na 100 talampakan. Malinaw ang tubig sa Jawili falls. Pwede kang lumanggoy sa kahit na saang basin mo gustuhing lumanggoy. Napakagandang pasyalan ito para sa mga tao dahil napakamura lamang ng entrance fee dito. Ang entrance fee ay nagkakahalagang limang piso (5pesos) bawat isa. Mayroon din mga cottage na pwedeng rentahan sa halagang 150 pesos bawat isa. Napakalinis ng tubig at paligid ng Jawili falls. May mga taong nangangalaga ng kalinisan ng lugar.
Aking kuya sa may Jawili Falls
Ako at ang aking mga pinsan sa may Jawili Falls
sa entrance ng Jawili Falls
Aking pinsan
Aking kuya at pinsan sa may Jawili Falls
Aking kuya at tita
Napakagandang lugar ng Aklan. Maari niyong puntahan ang ibang lugar tulad ng Jawili maliban sa Boracay. Kung gusto niyong mag relax at mas makatipid ay pwede niyong puntahan ang Jawili falls para makita niyo kung gaano kaganda at kalinis ang tubig at paligid nito. Marami ding masasarap na pagkain dito tulad ng banana chips, kamote chips, mga sariwang isda at kung ano ano pa. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento