Huwebes, Marso 3, 2016

Historya sa Pinilahang Painting by Josan Gonzales



PINTO ART MUSEUM   |   ANTIPOLO, RIZAL

Nais kong ibahagi ang aking karanasan sa pagbisita sa isang museo sa Antipolo, Rizal ang Pinto Art Museum. Sa totoo lang hindi ako masyadong nagpupunta sa mga museo, pero nung napuntahan ko ‘to aaminin kong naaaliw ang aking mga mata. Masasabi kong paborito ko itong museo dahil ito ay kakaiba sa mga museong aking napuntahan bago ito. Napakapayapa ng lugar na ito, perfect place to relax kapag may time. Sabay nating tignan ang kakaibang mundo sa loob ng Pinto Art Museum.


Ang Pinto Art Museum ay may laking 1.3 hectares sa loob ng isang pribadong subdivision sa Antipolo, Rizal. Makikita rito ang iba’t ibang depinisyon ng art. 


Sa loob nito ay may maliit na chapel.





May mga nagkalat na higaan dito.



Meron din silang swimming pool na may hugis na numerong 8.




Naispan kong pumunta rito dahil sa mga nagkalat na litrato nito  sa social media. Noong unang beses ko pa lamang nakita ang Pinto sa isang larawan ay agad akong nabighani sa ganda ng mga nilalaman nito. Nang makita ko ito ay gusto ko na itong puntahan kaagad. Kaya naman noong nagkaroon ako ng chance para mabisita ito ay hindi ko na ito pinalagpas. Pumunta kami rito noong Nobyembre 21 ng nakaraan na taon. Niyaya ko ang isa kong blockmate na si Sandy Ramos(weh) at ang aking pinsan para pumunta rito at hindi naman nila ako tinanggihan. Sa larawan ay mukha itong maliit na museo lamang, ngunit ng ako’y makapasok dito, ako’y namangha sa laki nito. 





Ang museo na ito ay may pitong galeriya. Ang gallery na ito ay puno ng mga paintings.




Ang isang ito ay may laking 480-inch long, at 144- inch wide. Ito ay pinangalanang “Karnibal” na gawa ng isang grupo na Salingpusa. 





Ang masterpiece na ito ay nakakamangha sa personal, parang linya sa kantang Breakeven na "I'm falling to pieces..." 













Ang napakagandang masterpiece na ito ay gawa sa sinulid. (OMG!)







Hindi naman nagpalagpas si Sandy na magpakuha ng litrato sa sikat na blue chair kung kanilang tawagin. 



Ang sikat na quote painting sa Pinto, "We are the kids that your parents warned you about."






Ang parteng ito ay ang tinatawag na Bamboo Gallery na kung saan may maririnig kang nakakarelaks na tunog, at sa lugar na 'to, para kang nasa totoong kagubatan.


Mayroon ding mga café sa loob ng Pinto Art Museum, ngunit may kamahalan ang mga pagkaing tinitinda rito. Mas maganda sigurong kumain muna bago bisitahin ang Pinto para makatipid. Ngunit hindi mo naman maiiwasang magutom sa ilang oras mong paglibot dito, paminsan daw ay may nagbebenta ng murang meryenda katulad ng turon at shake. Ipinagbabawal sa museo ang pagdadala ng pagkaing binili sa labas.




Sinubukan namin ang Mango shake, at wow fresh na fresh ang ginamit nilang mangga, malalasahan mo talaga ang mangga sa asim nito. Sinubukan din namin ang lava cake nila, okay naman ang lasa nito ngunit nakakabitin sa liit ng kanilang serving.




Ito ang aking pinakapaboritong painting sa Pinto Art Museum dahil ito ay simple ngunit napakaganda. Napakagaling ng pagkakagagawa nito dahil ang paraan ng pagguhit nito ay talagang kamangha-mangha at ang kombinasyon ng mga kulay na kanyang ginamit ay mapupuna mo kahit nasa malayo ka; ito ay maganda katulad ng nagpapicture sa kanya. 


Matapos ang apat na oras na paglilibot sa museo, nalaman ko na ang pakinabang ng mga higaan at upuan sa loob ng Pinto Art Museum…


... Oras na para magpahinga.





Wala akong maisip na akmang salitang ipanglalarawan ko sa Pinto Art Museum, hinihikayat ko kayong bisitahin ito. Kahit hindi ka photographer ay mapapakuha ka ng litrato sa ganda nito at ng mga paintings at sculptures na  makikita rito. Maganda rin mag photoshoot dito ng pangkasal o ng kung ano man. Kahit ako na bumisita lang rito ay walang inatupag kundi magpapicture. Kapag bumisita ka rito ay dapat na maganda ang iyong suot kasabay narin ng magandang kuha ng litrato. Hindi ako nagtataka kung bakit ito sumikat at pinupuntahan ng maraming tao, ang iba pa nga ay dumarayo pa rito para lamang makita ito, di hamak naman na worth the pagod ang pag-ikot mo dito sa Pinto Art Museum.

PINTO ART MUSEUM
San Roque, Antipolo, Rizal
Contact Number: Phone: (02) 697-1015

Entrance Ticket
Regular: Php 180
Senior Citizen: Php 150
Students with ID: Php 100
3 years old below: FREE

NO pets, NO smoking, NO changing of clothes while inside the museum

Museum Hours:
Tuesday – Sunday
9 AM – 6 PM

Photo Shoot Rates:
Php 7,500: Upper garden, lower garden and Indigenous Art Museum
Php 15,000: Upper garden, lower garden, Indigenous Art Museum and the new museum wing door


Paano ako makakarating sa Pinto Art Gallery via Commute (Public Transport)?
Sumakay sa LRT-2 at bumaba sa Santolan Terminal Station.
Sumakay ng FX or Jeepney na may biyaheng pa Antipolo.
Sabihin sa driver na ibaba sa Ynares Sports Stadium.
Pagkadating sa Ynares Sports Stadium, kumembot ng sampung beses at makakarating ka ng Pinto Art Gallery, char!
Sumakay ng tricycle at sabihin na dalhin ka sa “Pinto Art Museum”, ito ay sikat na tourist place kaya naman alam na ng driver kung saan ito.
Wag ka ng mag-alala makakarating ka rin doon.
Magretouch ka na kasi wala kang gagawin kundi magpicture.

1 komento: