Marhay na Aldaw Saindo Gabos
Ang probinsya na malapit sa puso ko ay ang Probinsya ng Albay na matatagpuan sa Rehiyon ng Bicol sa Luzon na bumihag sa puso ko. Ang Albay ay pinalilibutan ng mga lalawaigan ng Camarines Sur sa hilaga at Sorsogon sa timog. Ang Probinsya ng Albay ay nahahati sa 15 bayan at 3 lungsod. Ang tatlong malalaking lungsod na matatagpuan sa Albay ay ang Lungsod ng Ligao, Legazpi at Tabaco.
Maliban sa Bulkang Mayon na kabigha-bighani, ako ay umibig sa cultura at simpleng pamumuhay ng mga tao rito. Ang mga Albayano ay kilala bilang mga "ORAGON" na ang ibig sabihin ay determinado at mga mandirigma.
Paano pumunta ng Albay. Meron dalawang paraan para makarating sa Albay:
- Merong eroplano na maaaring dalhin ka sa probinsyang ito. Ang "flight" ay aabuting ng halos 45 minuto hanggang isang oras. Mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay bababa ka ng Legazpi Airport na matatagpuan sa kabisera ng probinsya na Legazpi.
- Pwede ka rin sumakay ng bus na aabutin ng sampu hanggang dose oras o kalahating araw.
- CAGSAWA RUINS - tinatawag na Kagsawa o Cagsaua, ay labing ng isang ika-18 siglong simbahang Pransiskano. Ang Cagsawa ay simbahang itinayo noong 1724 at nawasak sa pamamagitan ng pagsabog ng Mayon Volcano noong 1817. Ito ay matatagpuan sa Barangay Busay, sa munisipalidad ng Daraga, Albay.
- DARAGA CHURCH - ito ay gawa sa bato. Ang simbahan ng Daraga ay ipinatayo ng mga Paring Pransiskano noong 1773. Dito lumipat ang mga mananampalatay ng Cagsawa nang masira ang kanilang simbahan sa pagsabog ng Bulkang Mayon noon 1817.
- KAWA-KAWA -ay isang sikat na burol na matatagpuan sa gitna ng ikatlong pangkongresong distrito ng Albay na sa Ligao City. Ito ay tinatawag na "Hill without a Hilltop" -ito ay kahawig ng isang kawa o "wok". Ito ay tirahan sa labing-apat na kasing laki ng tao na mga imahe ng mga Istasyon ng Cross.
Maaaring tuluyan sa Albay:
- The Oriental Legazpi
Mga "Special Delicacies" ng Albay:
- Bicol Express- ito ang isa sa mga espesyal na pagkain na hinahain ng mga Bicolano o Albayano sa mga turista, ang ubod na anghang na Bicol Express.
- Pilinut -isa ito sa mga pagkaing dinadayo ng mga turista sa Albay dahil dito lamang matatagpuan ang ubod ng sarap na pilinut. Ito ay matatagpuan sa isa sa mga Lungsod ng Albay na ang Lungsod ng Tabaco.
- Balisongsong
Marami pang mga mga lugar na matatagpuan lamang sa Albay ang bibihag sa puso ng isang turista. mga pagkaing babalik-balikan sa sobrang sarap. Tulad ng sabi sa isang sikat na Bicol song "Sa Albay sana an" na ang ibig sabihin ay Sa Albay lang yan, sa Albay mo lang matatagpuan ang pinakamagayon (pinakamaganda) na mga lugar at tao.
Salamat asin Dios Mabalos!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento