Huwebes, Marso 3, 2016

Be Like Ara in this World of Bela by Quiarra Pauline Arboleda


Bawal ang matangkad, kung ayaw mong kumain ng nakatuwad.


Chos. Biro lang sa nakatuwad. Pero sa kabila ng biro ko, nagsasabi naman ako ng totoo, ano. Itong sikat na kainan na matatagpuan sa Liliw, Laguna, sigurado akong mauuntog ka kapag ang height mo ay 6 feet o higit pa.

Kilalang-kilala ang Arabela Restaurant sa mapayapang bayan ng Liliw (mas kilala bilang Tsinelas Capital ng Laguna) dahil bukod sa masasarap na pagkaing inihahanda ay isa lamang ito sa dalawang nakatayong restaurant sa bayang ito. (Charing ‘di ba, parang ang poorita pakinggan.)

Ang Liliw kasi ay isang liblib na bahagi ng probinsya at mistulang isang pueblong umusbong sa gitna ng isang bundok. (Taray, pang Maria Clara era.) Bagaman maituturing itong bayan ay madarama pa rin ang katahimikan tuwing sasapit ang kadiliman, katulad na lamang ng normal na pamumuhay sa mga kabundukan. Parang feeling mo Elias at Salome wilderness version ang set-up, ganern.





Mas nakadagdag pa ng marketing strategy ng Arabela ay ang ambiance nito. Mula sa lumang bahay na mistulang nakatayo sa Vigan ang hitsura ng restaurant.  Saan ka pa, ‘di ba? Isa itong lumang bahay na itinayo pa noong panahon ng mga kastila, at ginawa na lamang pook na kainan sa mga panahong lumipas. I know, very astig.  Ito ang dahilan kung bakit mababa ang kisame nito. Ang pangunahing silid-kainan ay ang dating silong ng lumang bahay. Ang itaas na bahagi naman ng bahay ay hindi bukas para sa mga parokyano. Narinig ko nga rin sa kwento-kwento ng mga kapitbahay ko pwede raw mag-ghost hunting dito. Char!


Kung bongga ang lugar, siyempre bongga ang menu. Pero ang mas bobongga pa riyan eh, bongga talaga ang presyo. Presyong kaya kang ilibre ng mga tambay sa kanto.





Kesong Puti Pizza, sa halagang P220, large size na! Kasyang-kasya na kay ate, kuya, mama, papa, at yaya. Kakaiba pa ang lasa nito dahil sa native na kesong puti (hindi ito cream cheese, please) na isang sikat na produkto mula sa Sta. Cruz, Laguna.




Para naman sa mga nagbabalak magpapayat o sa mga nagf-feeling healthy living, bagay na bagay ang Seafood Salad. One hundred pesos lang, sulit na sulit na. Kombinasyon ito ng garden field greens, kamatis, bell pepper, pipino, feta cheese, at napapaibabawan ng iba’t ibang klase ng seafood. Oo, mura na ‘yan. Mahal kaya ang feta cheese sa supermarket.




Bestseller din sa Arabela ang Seafood Marinara. Masarap talaga at hindi mo na nanaising dumayo pa ng mga soshal na kainan sa Greenbelt 5 dahil mahihiya sila. Hello, P140 lang ‘yan dito.




Isang echos na singit fact mula sa iyong hilaw na blogger: kung ayaw mo namang maging Dyesebel kinabukasan kakakain ng seafood eh, huwag mag-alala. Uso rin naman ang baboy at baka sa Arabela.





Magpapahuli ba ang dessert? Duwaduwari a duwari e murder that, murder that, dance flo, dance flo. Chenes, siyempre hindi. Subukan ang Bread Pudding. Fifty pesos lang! Masarap. Basta masarap.

Picture namin sa Arabela. First time together with the best school paper advisers, eh. Pagbigyan.

Pero paano nga ba pumunta sa Liliw para matikman ang pagkain sa Arabela? Kung taga-Manila ka, marami namang kainan sa P.Noval, Dapitan, Lacson, at España, doon ka na lang mag-lunch. Ang mahal kaya ng pamasahe/gasolina/tollgate sa SLEX. Pero siyempre joke lang, kasi it’s not about the pamasahe, it’s about the experience. Huwag maging isang hilaw na traveler. Kapag commute ka, humanap lang ng bus terminal na may karatulang Sta. Cruz. Pagkatapos ay pakiusapan mo iyong konduktor na ibaba ka sa Bubukal, Sta. Cruz. Pagkababa ay humanap ng jeep na pa-Nagcarlan. Bumaba ka sa Nagcarlan, at sumakay ng isa pang jeep papuntang Liliw. Hanapin ang Arabela sa tabi-tabi.

Para naman sa mga may sasakyan, ang totoo niyan, hindi ko talaga alam. Bukod sa hindi ako marunong magmaneho, wala rin akong kotse. Period. Mag-GPS ka na lang, ayos ‘yan.


Ngayong nakarating ka na, enjoy the food, enjoy the place! Be like Ara in this world of Bela. Charing!

1 komento:

  1. Hahahahaha! Tawang tawa ako sa article na ito! Nakakaakit talaga. Ginutom ako tuloy. :(

    Ganda ng article 10/10 ��

    TumugonBurahin