Huwebes, Marso 3, 2016

Mahiwagang Pinto sa Antipolo by Drew Davantes

  


Isang natatanging museum ang nagiging attraction ngaun sa antipolo, itinayo sa 10,000 square meter na lupa. Ginawa itong isang minimalistic museum galing sa isang Silang Garden. Tandang-tanda ko pa January 13, 2016 noong ako ay unang beses na nakatapak sa ganda ng Pinto Art Museum.


Una sa lahat hindi ko alam kung bakit ako nakatalikod dyan, Naisipan namin ng matalik kong kaibigan ang puntahan itong lugar na to upang makita kung totoo ngang maganda dito, at hindi naman nasayang ang aming oras dahil isa itong best kept gems ng Antipolo ika nga.

We are surrounded by many temptations around us.

Sila na yata ang long lost parents ko?

I wonder kung may stiff neck siya?

Ang pagmamahal ko hindi basta basta mauubos ngunit ang katawan ko, onting-onti nalang.







Highschool palang kami ng bestfriend ko gusto na naming laging maglakbay kung saan-saan, kung saan pasok ang budget namin. Siguro nga kasi we focus more sa experience kesa sa material things dahil balang araw ang sarap balik-balikan ang mga ala-ala ng lugar na inyo ng napuntahan.


Noong una, nakikita ko lang itong magandang museum na ito sa pictures ng aking ibang kaibigan. Ngunit eto, ngayon heto na. Nalakbay ko na ang buong ito.


Itong painting ng bikers ang talagang nakapagpa-oo sakin na pumunta dito sa museum na to, I am a cyclist myself kasi. Noong bata kasi ako me and my dad usually goes out to go cycling minsan sa mga bundok or minsan sa road lang. Kaya sobrang naappreciate ko tong painting na ito. I was so lost in this paradise, when I saw the next painting.


Yun man ang pinunta ko doon, pero hinding hindi ko palalagpasin tong painting na ito dahil ito ang pumukaw saking mata. Siguro dahil oo, totoo? I am a kid that your parents warned you about, Pero siguro in a good way. Bagay to sa mga kabataan ngayong Generation Z.




At, syempre hindi mawawala ang aming adventures kung walang kalokohang ginawa. Ang pinto museum ay puro hagdan literal na puro hagdan, kaya ayan kami inakyat namin lahat at kunwari stolen ang mga picture namin.

Anong meron sa loob?
At dahil nga nasabi ko na ang paglalakbay namin bilang magkaibigan ay hinding-hindi makukumpleto ng walang kalokohan kaya eto ang pinaggagawa namin.


At dahil dun masasabi kong itong experience na ito ay isa sa pinakamasayang experience na nagkaroon ako sa isang museum, I really don’t like paintings or art kasi unless it is interesting like what they did in this place. Pinakita nitong museum na ito na hindi porket puro paintings at art boring na, na sa 150 pesos mo masusulit mo ito at maeenjoy. Hinding-hindi ka mabibitin dahil ito ay punong-puno ng misteryo sa bawat sulok at kanto. At dahil nga puno ito ng misteryo sa bawat sulok at kanto, hindi namin napuntahan ang lahat ng ito dahil sa kakapusan ng oras, but . . .


Find true love, sa pinto art.


By that I just caught myself fascinated at the beauty of art.



Kaya if you wanna enjoy na swak na swak sa budget niyo and share happy memories kagaya ng pictures sa taas, below is the infomation of the museum.




PINTO ART MUSEUM INFORMATION:
Pinto Art Museum is located at San Roque, Antipolo, Rizal, ito ay bukas simula 9 ng umaga hanggang 6 ng gabi tuwing martes hanggang linggo. Ang entrance fee dito ay nagkakahalagang 150 swak na swak sa budget nating mga pinoy, at hindi lang yan kung ikaw ay senior citizen 120 nalang para sa iyo, at higit sa lahat kung ikaw ay isang mabuting mag-aaral o estudyante kagaya ko . . . 75 pesos nalang para sayo. Diba? Swak na swak at kayang-kaya ng bulsa.

Don't worry be happy, dahil hindi kayo magugutom diyan sa Pinto Art Museum dahil there is a mini cafe/restaurant located inside.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento