Huwebes, Marso 3, 2016

ABC: Amazing Bastille's Cuisine by Kannako Sato

Mahilig man tayong lahat sa pagkain, minsan ay nagdadalawang-isip tayo kung gagastos ba tayo para sa mahal na pagkain. Eh bakit pa tayo gagastos ng pagkamahal-mahal para lang sa pagkain eh pare-parehas lang naman yang kinakain? Buti na lamang at may Bastille Bistro, dito sulit ang lahat ng babayaran mo!

Interior ng Bastille Bistro
Natagpuan ko ang isang kakaibang restaurant sa Parañaque City. Nahumaling ako sa kagandahan ng kanilang interior design, medyo aakalain mong mahal ang mga pagkain. Mapapaisip ka pang "ano ba to mamahaling restaurant nanaman na di naman masarap ang mga pagkain." Pero nung sinubukan namin, ay nako naman, no regrets! Talaga namang masarap ang mga sinubukan namin. Hindi na ako magtatakang malaman na ang lahat ng nasa menu nila ay tiyak na masarap.

Sa kanilang kakaibang French-Filipino dish, nahulog na agad ang loob ko sa restaurant na ito. Minsan ka lang kaya makahanap ng ganitong restaurant na swak sa panlasa ng mga tao! Eto pa ang bonus, sinisigurado ko sainyo na instagram-worthy ang kainang ito; mapa-pagkain man o design ng restaurant, parehong kaaya-aya ang itsura.

Chef's Salad

Ang unang sinubukan namin ay ang Chef's Salad. Maaaring marami sainyo ay hindi mahilig sa gulay, ngunit sinisigurado ko sainyong masarap ito. Hindi siya katulad ng ibang salad na nakakaumay sa dami ng gulay na tinambak lang sa plato. Balanse rin ang pagkaalat nito. Must-try lalo na ng mga veggie lovers!

Pulled Pork Adobo

Ito naman ang Pulled Pork Adobo nila. Pak na pak ang inorder namin dahil modernized Adobo ang ihinain nila. Binago man nila ng kaunti, hindi naman nawala ang sarap ng adobo. Infairness, napatunayan nilang masarap pala ito kahit may pagka-French style ang peg!

Croc Sisig on Melba Toast

Ang best-seller Croc Sisig on Melba Toast ang highlight sa restaurant na ito. Ano? Croc? As in crocodile ba yan? Oo! Mahilig at kilala tayong mga Pilipino sa exotic food, at meron sila nito para lang sainyo! Galing pa sa Palawan ang crocodile meat na ginagamit nila pang-sisig. Hinding-hindi kayo magsisisi sa sisig nila. San ka pa ba makakahanap ng crocodile sisig sa Metro Manila diba? Bastille lang yan!

Roasted Coq Au Vin

Roasted Coq Au Vin naman ang orderin ninyo kung kayo ay mahilig sa manok. May gulay rin na kasama para ma-balance ang kinakain niyo. Pangalan pa lang, panalo ka na! Eh kung tikman niyo pa kaya? Champion ka na!

Pepper Crusted Pork Steak

Eto naman ang Pork Steak nila. Itsura pa lang ay magugutom ka na sa sarap! Pepper Crusted Pork Steak; ang dish na makakapagpakalimot ng problema niyo pag natikman niyo na. Samahan mo na ng isa pang extra rice para masaya!

Hindi matatapos ang kainan ng walang dessert. May iba't-ibang flavored cakes sila na maaari mong pagpilian, depende na sa gusto ng panlasa niyo.

Smores

You want more? Mayroon silang Smores! Yan ang usong-uso na pagkain ngayon. Isang bowl na punong-puno ng marshmallows at graham biscuits na may tsokolate. At meron ang Bastille! Hindi ka talaga magsisisi sa pagpili ng Bastille.

Punta na sa Bastille! Matatagpuan ang restaurant sa Dr. A. Santos, Santana Grove, Sucat, Parañaque City. Malapit lang sa SM BF! Dalhin niyo na ang pamilya, kaibigan, karelasyon o kung sino man dahil ito na ang lugar para sainyo!




(Photo cred: @BastilleBistro 's ig)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento