Huwebes, Marso 3, 2016

Masarap na Chix: Jan Benedict Federico



Masarap talaga tikman ang chix lalo na yung parte ng legs, pwet, leeg, at ang pinaka malaman na breast. Masarap kasi kainin ang breast part lalo na kung malaki, malaman, crunchy at firm. Ayoko ng mukhang losyang at hindi kaakit-akit sa aking paningin. Parang hindi masarap kamayin at kaiinin. Pero ngayon nag iba na ang aking paningin mas gusto ko na ng maliit, crispy, at malasa yung tipong nanunuot ang sarap kapag tinikman mo. Naniniwala na ako sa kasabihan na “Size doesn’t matter”.  Sa sobrang sarap pati buto ngangat ngatin mo and its finger licking good. Mabango, malutong, malinamnam ang handog nilang pagkain. Siguradong matatakam kayo sa kanilang chicken. Ito ay isa sa mga patok na kainan sa Padre Noval, ang Wing Vibes.










Inferno
Isa sa mga patok na kainang ang Wing Vibe dito sa P.noval. Dito nag pupuntahan ang mga estudyanteng gutom at wala ng makainan. Ang chicken nila ay may iba't ibang flavors gaya ng Hickory Barbecue na lasang barbecue siyempre. Asian Invasion na manamis-namis. Garlic Parmesan nalasang bawang. Louisana Rub (omg). Soy Honey na lasang toyo na may konting tamis. Honey Dijon (lasang honey to siyempre at matamis). Cajun (maanghang ng konti) at ang pinaka maanghang at paborito kong Inferno na may buto ng sili. Masasabi kong masarap ang kanilang mga chicken sapagka't natikman ko ang iba't ibang flavor ng chicken nila. nagkakaroon ako ng konting paglalaway sa tuwing kakainin ko na ang maanghang at paborito kong Inferno flavored chicken.



Pagkabukas pa lamang ng pintuan, daling bubungad sa'yo ang halimuyak ng pritong manok at ang musikang tila nag uudyok sa iyong sumayaw at sumabay sa pagkanta. Maririnig mo din ang mga tilaok at huni ng mga ibong niluluto sa loob na parang nagpapahiwatig na "halina kayo at kainin nyo ang masarap kong katawan". Sa halagang 79 pesos busog ka na samahan mo pa ng iced tea na 20 pesos ang presyo!



 


  Meron din itong freedom wall na pwedeng ipahayag ang mga damdamin ng mga kumakain dito. Maliit at masikip nga lang ang loob at kailangan pa ng pagpapalaki ng establishment. At kung gusto mo makakain sa loob ay kailangan mo maghintay hanggang sa may matapos kumain.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento