Huwebes, Marso 3, 2016

Pamana sa gitna ng sibilisadong metro by: Nicole Enclan Dimalanta



You’re my “kaunting tiis nalang, may paraan pa.” in the world of “ayoko na, nakakapagod na.”


Sa araw araw na paglalakbay ko maraming mga bagay na pwedeng mangyari at hindi mo inaasahang mangyari. Marami ka’ng mapagdadaanan at matututunan. Minsan pag sobrang nakakasawa na at hindi na nakakabuti, masasabi mo na lang na “tama na, ayoko na, nakakapagod na.” pero nandito ka sa mundong “kaya pa, kaunting tiis nalang, may paraan pa.” Ganyan ang sitwasyon ko tuwing uwian na at rush hour na naman sa Maynila. Nakakapagod at nakaka-haggard!

Isa sa mga araw na pinaka ayaw ko ay Biyernes dahil sa malalang trapikong dulot ng araw na ‘to, di ko rin lubos akalain na susunduin ako ng kapatid ko dahil insidenteng napadaan siya galing trabaho. kaya’t medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil makakaiwas ako sa mala-digmaang jeep sa Blumentritt. Pero inuulit ko, Biyernes noon at walang usad ang trapiko at walang ligtas dahil naka-sasakyan kami. Gaya pa rin ng sabi ko “may paraan” kaya’t gumamit kami ng ‘Waze’ at sobrang pasasalamat ko sa application na ito dahil hindi lang sa iniwas niya kami sa traffic pero dinala niya rin kami sa lugar kung saan mamahalin ko ang araw na ito.

Matagal tagal rin ang travel time at nakaka stress kaya naman ginutom na kami at sakto naman hanggang nasa kahabaan kami ng Mother Ignacia street may isang restaurant na naka pukaw ng aming pansin kaya’t walang pag aanuma’y bumaba kami at pinasok ito

Legacy of Filipino cuisine

 Sa labas na view ng restaurant makikita ang malaking pangalan nito, PAMANA, o diba pangalan palang mag wa-wonder ka na. Pagpasok mo ay bubungad sa’yo ang maraming picture frames, salamin at mga antigong kasangkapan kaya naman nakapag-tataka kung bakit ganito ang konsepto nito. Mapa hagdan, estante, upuan, at kasuotan ay makaluma o Vintage Style ika nga.

Mainit ang pagtanggap ng mga staff ng restaurant na ito, clean and polite at mahusay sa pag serve ng mga pagkain at gayun rin naman kung titignan mo ang restaurant, malinis at makikita mo ang mga kakaibang bagay na makabuluhan at parang ilang dekada nang na preserba kaya’t nakakabusog sa mga mata.






Pagpasok mo palang mula sa pintuan ay bubungad na sa’yo ang corner wall na punong-puno ng larawan ng mga taong nakalipas,mga salamin, at kagamitan.very cozy ng ambiance at  bukod pa rito may magandang lighting set sila para swak na pang instagram-worthy photo. 





kuha ang mga larawan na ito pagkatapos ko’ng kumain kaya’t pagpasenyahan niyo na dahil medyo halatang busog ang kalagayan ng tiyan ko rito. (h a p p y t u m m y) 

Siyempre ang pinaka dapat niyong maranasan ay ang lutuin rito! Oo, malala parang traffic sa Espana,MNL ang lala. Ito ang ilan sa mga na order namin…



Pampanga's Sizzling Sisig at Aligue
Php.280 | Serving: 2-3 persons
Para sa akin, ito ang pangalawang paboritong bersyon ko ng sisig, pinakagusto ko pa rin ang luto ng papa ko. (kapampangan rin kasi) Mahilig kami sa Aligue kaya nang nai-serve na sa amin ay nagpadagdag pa kami nito at wala naman kaso sakanila iyon walang charge o kung ano man. Sisig in a sizzling plate, ang sarap ng kombinasyon ng lasa ng Aligue at anghang nito may mayonnaise pa sa gilid at fresh pa ang itlog. Grabe nakakawala ng pagod bagay na bagay sa mainit na kanin. 


Barrio Fiesta’s Original Kare-Kare
 Php.398 | Serving: 1-2 persons
Paborito namin ng kuya ko ang kare-kare at ang Barrio Fiesta kaya’t nakakatuwang mayroon sila nito. Walang duda, isa ito sa kanilang mga Best seller na tila ginamitan ng purong peanut butter sa unang lasa hanggang sa maghalo ang bagoong at napaka sarap ng kombinasyon. Malulutong ang gulay, fresh na fresh at twalya ang parte ng baboy na sangkap nito. Mas marami ang sahog na gulay kesa sa karne at ayos lang samin ‘yon dahil maraming sustansya na makukuha rito, Ang bagoong ay hindi masyadong maalat na manamis namis. Nanunuot ang lasa ng kanilang Original Kare-kare ang sarap at ito ang pinaka highlight food para sakin. Hindi ito mawawala sa mga oorderin ko sa susunod na kakain ulit kami rito. 

I recommend their Kare-kare, Pamatay sa sarap !


Chicken Binakol
Php.275 | Serving: 2-3 persons

Chicken cooked in young coconut juice. Kaya kung gusto mo ng kakaibang lasa at itsura try this, may tanglad itong sangkap at manamis namin ng kaunti dahil sa buko juice at nangingibabaw din ang lasa ng mga herbs and spices. Oo, Ang sabaw ng buko ang gamit kaya’t napagisipan rin nilang ilagay sa isang coconut husk ang lutuin.


Isa rin sa mga best seller nila ay ang Cebu Lechon Roll ngunit hindi namin sinubukan dahil dalawa lang kami at baka hindi maubos. Subukan ninyo iyon marami akong nabasang magagandang feedbacks about Cebu Lechon Roll. 

Happy tummy ang Friday night ko. Nakausap namin ang manager tungkol sa restaurant at napag alaman ko na 3 rd Generation Barrio Fiesta Restaurant Clan ito. Bakit PAMANA ang pangalan nito at ang konsepto? Dahil ang mga kasangkapan na makikita sa restaurant na ito ay totoong naipasalin salin na sa henerasyon ng kanilang pamilya. Tila Pamilya ang nagpapatakbo ng kanilang negosyo simula palang mula sa kalolololohan ay Barrio fiesta hanggang sa naiPAMANA na ang mga negosyo sa mga kasalukuyang pamilya gayun din ang mga antigong kagamitan ay mga pamana ng kanilang mga lolo at lola.

“I am proud of the legacy my family handed down to me 100 years of delicious and authentic Filipino food derived from passion for cooking and love for the family.” - Happy Ilagan Ongpauco – Tiu 

Ang Pamana restaurant ay nag se serve ng authentic Filipino Cuisines na pag mamay ari ng Happy Ilagan Ongpauco – Tiu. May mga branch ito sa Baguio, Makati, Quezon City, Tagaytay, at Boracay.

Totoo nga’ng hindi mo aakalain na may isasaya pa ang akala mong walang buhay at perwisyong gabi. Samahan mo lang ng tatag ng loob at siyempre KUMAIN ! 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento