Naghahanap ka ba ng pwedeng ipang- profile picture na may throwback feels? Minsan ba eh nabagot ka tapos na-isip mo na gusto mong mag-“travel back in time”? Yung tipong gusto mo mag ala-“bring back the feels!!” O di kaya magmuni-muni sa isang kasaysayang lugar na may kasama pang hangin hangin para bongga? Eh may sagot tayo dyan! Saan? Tayo na sa Vigan! Ang inyong kai-VIGAN mula sa nakaraan na sasagot sa inyong mga katanungan!
Bago tayo magpatuloy ay alamin muna natin ang pinagmulan ng Vigan.
Dati, ang Vigan ay isang isla na pinalilibutan ng Ilog Abra, Govantes at Mestizo. Ang salitang “Vigan” ay hango sa isang uri ng halaman na kilala bilang “kabiga-an” na sagana sa pampang ng Ilog Abra. Kilala na ang Vigan bago pa man ang pananakop ng mga kastila dahil sa mga katutubo at mga Intsik na nagka-kalakalan dito. Ang mga Intsik ay dumadaan sa Ilog Mestizo para makipagkalakalan sa mga katutubo sa bundok ng Cordillera. Ang mga Intsik ay may dala-dalang mga exotic goods at nais nila itong ipapalit para sa ginto, beeswax, at iba pang mga kalakal.
Noong pumunta kami sa Vigan ay umabot kami ng walo hanggang siyam na oras sa pagba-biyahe. Oo, masakit sa puwet pero nang marating na namin ang lugar na ito ay tila napawi lahat ng pagod at napalitan ito ng saya (seryoso to!), lalo na ng makita na namin ang Heritage Village nito.
(Stop over muna. Hehe) |
Sa wakas ay narating na namin ang Vigan! |
“Vigan Heritage Village”
Ang Vigan Heritage Village ay itinatag noong ika-16 siglo hanggang ika-19 siglo nang lumago ang kalakalan dito. Ang paggawa rito ay pinangunahan ng mga Intsik. Kaya naman ang arkitektura nito ay pinagsamang kultura ng Spanish European at Chinese. Ang Vigan Heritage Village ay itinuring na “best-preserved example of a planned Spanish colonial town in Asia.” At noong Nobyembre 1999 ay nakasama ito sa World Heritage List. Talaga nga namang nakakatuwa dahil mayroon tayong gantong napakaganda at napaka-makasaysayang lugar!
Para sa akin ay isa ito sa mga napakagandang lugar na aking napuntahan. Talaga nga namang mada-dama mo ang kasaysayan sa lugar na ito at nakaka-“bring back the feels!!” ika nga.
O ha! Tuwang-tuwa ang aking Mama at ang aking mga Tita habang nakasakay sa kalesa! |
Mga Pagkain
Isa
sa mga pagkaing dapat niyong matikman sa Vigan ay ang kanilang longganisa.
Kahit medyo maliit ito ay sagana pa rin sa sangkap lalo na sa bawang kaya
malalasahan mo ito sa iyong bawat kagat. Tamang-tama ito sa pang-almusal kasama
ng itlog at fried rice. At mula noong
natikman ko ito, napabilang kaagad ito sa mga paborito kong ulam. Pramis!
Pag-usapan
naman natin ang Empanada ng Vigan. Masasabi kong ang Empanadang ito ay kakaiba
sa mga Empanadang ibinebenta sa Maynila. Kahit ako ay nagulat nang malaman ko
ang mga sangkap nito. Ngunit nang matikman ko ang empanadang ito, masarap at
sagana ito sa sangkap. Ang ginagamit nilang wrapper para sa Empanada ay gawa sa
giniling na bigas. At ang mga sangkap nito ay itlog, ginayat na papaya, at ang
kilalang longganisa ng Vigan. Sukang Iloko o Ketchup ang nababagay na sawsawan dito. O diba! Kakaiba!
At hindi rin papahuli dyan ang Bagnet. Ang Bagnet ay parang pinaghalong Chicharon at Lechon Kawali. Pinaghalo, dahil ang Bagnet ay crispy mula sa balat hanggang sa laman. Para sa akin, ito ay sobrang malinamnam at masarap. Nang matikman ko rin ito ay kaagad ito napabilang sa mga paborito kong ulam kasi sobrang masarap talaga. Pero hinay-hinay lang sa pag-kain nito dahil ito ay may mataas na kolesterol!
***
Talaga
nga namang napakaganda sa Vigan. Sulit na sulit ang pagpunta rito! Bukod sa nakapag-travel back in time ka na at nakatikim ng mga bagong pagkain, may pang-profile picture ka pa! (Biro lang yung sa profile picture pero kung gusto
mo eh di ayos na ayos din!) Laging tandaan, lagi lang nandyan ang iyong
kai-VIGAN! Hanggang sa muli! Paalam!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento